EPILOUGE
PINAKADELIKADONG sandali sa isang tao ang pagkakataon na mapalingon ka sa mga mata niya. Kasabay no'n, mararamdaman mong dahan-dahang babagal ang takbo ng oras sa buong paligid, maglalaho ang ilang ingay sa paligid at tanging ang taong 'yon lang ang makikita ng 'yong mga mata. That's what they called "A very dangerous atmosphere."Bakit nga ba iyon ang pinakadelikadong sandali sa buhay ng isang tao? Simple lang. dahil magagawa nitong kontrolin ang buhay mo sa oras na tamaan ka ng kung anong pakiramdam pagkatapos mong tingnan ang taong 'yon. Pagkatapos niyang kontrolin ang mga mata mo, kokontrolin niya ang puso mo. At kapag natagumpay siya ro'n, gagawa ka nang gagawa ng paraan para lang mapalapit sa kanya. A thing called love.
Hindi maiwasang mapangiti ni Freya nang maalala niya ang unang beses na nagkita sila ni Zen noong mga panahong sinira ng mga aerico ang lahat sa kanyang buhay. Ang kanyang pamilya, mga kaibigan at kapit bahay. Sa lugar na nababalutan ng apoy, nababasa ng dugo at puno ng sigawan ng mga taong nanghihingi ng tulong, nakita siya ni Zen at kinuha ang kanyang kamay.
"Naisip ko lang kung ano ang mangyayari sa hinarap. Mauubos kaya ang mga Aerico? Magiging mapayapa na rin ba ang mundo?" tanong niya.
"Hindi naman imposible ang sinasabi mo, Freya. Hanggat may mga taong naniniwala na magiging maayos ang mundo, magkakatotoo ito."
Nilingon niya ang katabi at pilyang ngumiti. "Hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon. Hindi na ako makapaghintay na ikwento na lang sa mga bata ang nakaraan kung saan kinakailangan pa nating lumaban para lang sa kinabukasan." Binawi niya ang tingin at bumaling sa kalangitan. "Naisip ko lang kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap." pakiramdam niya'y may bumara sa kanyang lalamunan. "Hindi ko maisip na magkakaroon ka ng pamilya, ng mga anak, mga apo."
"Hindi ko alam kung nanglalait ka sa tono ng pananalita mo." Reklamo nito na kanya namang ikinangiti.
"Kung mangyayari man ang sinasabi ko, gusto kong ikwento mo ako sa kanila." Pansin niyang napatigil nang bahagya ang katabi. "Gusto kong ikwento mo sa kanila kung papaano kita ginambala, kung papaano ako lumakas at kung papaano kita natalo sa laban,"
"Hindi mo pa ako natatalo sa laban."
"Kung papaano ko nailigtas ang ilang mga tao at kung papaano ko napagtagumpayan ang lahat." Bumuntong hininga siya. Lihim na kumuyom ang kanyang kamao at palihim na iniwas ang tingin. Mabigat ang tibok ng kanyang puso, ang kanyang paghinga. Nararamdaman niya ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
"Freya? Siguradong ayos ka lang ba?"
"Kahit na sabihin kong ayos lang ako, hindi ako magiging maayos. Hindi kayang magsinungalin ang puso ko, hindi ko kayang manipulahin ang nararamdaman ko. Natatakot ako nab aka isang araw, tuluyan na lang akong maglaho sa mundong 'to. Nakakatakot akong baka hindi ko na makita pa ang kina—" Natigilan siya sa pagsasalita nang yakapin siya ng binata. Ikinagulat niya nang may maramdamang likidong dumadaloy mula sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasyTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...