THEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KABANATA XIV
NGUMITI si Shanaia sa kanya nang hayaan sila nina kasama na mag-usap muna sa loob ng silid nito. Nanatili siyang tahimik habang nananatili sa loob ng silid ng matanda. Dahan-dahan nitong hinawakan ang kanyang buhok at marahan 'yong sinuklay. Sa katunayan, napakakomportable ng sandaling 'yon para sa kanya. Pakiramdam niya'y totoong lola niya ang katabi sa sandaling 'yon.
Sa loob ng pamamalagi niya sa mansyon, nakita niya kung papaano nito tratuhin ang mga naninirahan sa bahay nito. Mula sa katulong, sa magkaibigang sina Ciel at Flair maging sa kanya. Lahat ay pantay-pantay na para bang nanggaling lang sila sa iisang pamilya. Bahagya niyang tiningnan ang matanda nang hawakan nito ang kanyang kamay.
"Iha, h'wag kang malungkot sa nangyari sa 'yo. Alam kong mahirap pero magpasalamat pa rin tayo na nanatili ka pa rin sa mundong ito." Hinawakan niya rin ang kamay nito at bahagyang ngumiti. "Minsan ang mundong ito'y magbibigay sa 'yo ng napakaraming problema. Gano'n pa man, mayroon tayong rason para maging masaya. Nararanasan pa rin natin at nakikita ang masasayang pangyayari sa mundong ito."
"Ipinagpapasalamat ko na hinayaan mo akong tumuloy sa mansyon mo kahit na hindi mo naman ako kaano-ano. Siguro... kung hindi ako dinala ni Flair at Ciel dito, hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka nga hindi na ako gano'n magtagal dahil alam kong maraming tao ang nais puksain ang mga tulad n-natin..." saka siya bumuntong hininga.
"Napakabuti mong bata," Otomatiko siyang napalingon sa kausap. "Napakatatag mong dalaga. Siguro... kung ako ang nasa kalagayan mo, kung dati akong tao at nagkaganyan ang buhay ko, baka nagpakamatay na ako." Bahagya siyang yumuko. "Dahil ito sa kaibigan mo hindi ba?"
Napangiti siya ng mapakla kasabay ng pagtango. "Gusto ko siyang protektahan kaya lumayo ako sa kanya. Ayoko siyang masaktan nang dahil sa akin kahit na kaduwagan ang lumayo at takbuhan ang problema." Tumamlay ang tingin niya sa kausap. "Hindi ko alam ang sasabihin ko, natatakot ako sa maari niyang maging reaksyon. Masyadong masakit pero kakayanin ko para sa kanya."
Nagulat siya nang makaramdam ng likido sa kanyang mga mata. Mas lalo naman siyang napaluha ng hilahin siya ng matanda at ikulong siya sa yakap. At dahil doon, tuluyang kumawala ang bigat ng nararamdaman niya sa sistema. Sunod-sunod siya sa pagluha. Siguro nga ito ang sinasabi nilang naipong damdamin na kapag inilabas, parang imposible nang maubos pa. Hinayaan niyang iiyak ang galit, inis, at lungkot na naipon sa kanyang dibdib.
"Sorry, Zen." Paghagulgol niya habang hinahagod ng matanda ang kanyang likuran. "Hindi ko nagawang maging malakas sa harapan mo. Hindi ko sinasadyang saktan ka." tuloy-tuloy, sunod-sunod. Lungkot ang nangingibabaw, nakakalunod na sakit. Sa tuwing hinahagod ng matanda ang kanyang likuran, 'di mapigil ang paglabas ng luha sa kanyang mga mata.
"Ang mga masasayang sandali, mabilis naglalaho sa paglipas ng mga araw. Kung kaya't maging masaya ka bago pa mawala ang lahat." Malambing na sambit nito. "Magaan sa pakiramdam lalo na't alam mong may napasaya kang tao habang pinapasa mo ang sarili mo." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.