KABANATA XVIII
TUMIIM ang bagang ni Freya nang tapatan siya ng espada ni Zen. Isang maling kilos lang nila, siguradong pauulanan sila ng mga pana. Dahan-dahan siyang pumihit ng tingin sa kasama at nakita rin ang inis nito sa mukha. Binalikan niya ng tigin si Zen na ngayo'y nagbibigay sa kanila ng malamig na tingin.
Mas lalo pa siyang nakadamdam ng inis nang makarinig ng palakpak sa 'di kalayuan. Nilingon niya ang likuran at nakita ro'n ang paparating na grupo ni Arcana. Nakangiti ito sa kanya nang nakakaloko habang may hawak-hawak na pana na mas malaki sa mga pana ng ibang tao sa paligid.
"Oh jeez, Kailangan na yata kitang bigyan ng award dahil sa galing mong pumuslit. Sinasabi ko na nga bang mayroon kang masama." Pagtutukoy nito kay Ciel. "Sana sinamahan mo rin siya sa loob ng kulungan niya. Edi sana hindi siya gano'ng nalungkot ng isang buwan."
"Kung gusto mo ikaw ang sumama sa kanya. O kaya ikaw na lang ang pumalit sa pwesto niya para mas masaya." Asik ng binata.
"At dahil d'yan, bibigyan kita ng palakpak." Saka ito nagbigay ng dahan-dahang pagpalakpak bagay na ikinainis nilang dalawa. "Planning to to somewhere? Nakakalungkot naman siguro kung hindi tayo magpapaalam sa isa't-isa, Freya. Hindi mo ba mamimiss ang mga araw na nagkasama tayo sa art room ko? Hindi mo ba mamimiss ang sandaling kumakalat ang dugo mo sa silid na 'yon?"
"Mas matutuwa pa ako kung dugo ng isang siraulo ang nasa lugar na 'yon." Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Get lost, Arcana."
Pareho silang nabahala nang iabot ni Arcana ang pana sa katabi nito at saka hinila ang espada na nakasabit sa likuran nito. "Kapag sinabi ko sa inyong gawin niyo, gawin niyo. Sa ngayon, laban ko ito at walang gagalaw sa inyo hanggat wala akong inuutos."
Narinig pa niya ang pagpalag ni Zen ngunit nakita niyang rumehistro sa mukha ni Arcana ang kakaibang kilabot. At dahil pare-pareho silang nakatingin sa likuran, alam niyang nakita rin 'yon ni Zen sa 'di kalayuan.
Mabilis na kumilos si Arcana patungo sa kanilang kinaroroonan. Nagulat naman siya nang humarang si Ciel sa kanyang harapan at pinalabas ang espada nitong gawa sa sariling dugo. Napaatras pa siya nang ilang hakbang nang itulak siya nito. Malakas ang pwersa nang tumama ang mga sandata nito sa isa't-isa. Ngumisi naman ang katunggali nito bago pa man umatras at sinipa papaatras ang binata.
"Ciel!"
"H'wag mo akong sigawan! Gumawa ka ng paraan!" Makahulugang sambit nito bago pa man muling salagin ang dalaga.
Hinarap niya ang grupo ng mga tao sa kanilang paligid. Muling nagtama ang paningin nila ni Zen na mukhang naiinis din sa nangyayari. Tulad ng sinabi ni Arcana, walang kumikilos sa mga tao para atakihin sa kanila. Kung hahayaan niyang makipagtunggali si Ciel mag-isa, siguradong matatalo ito ng dalaga. Nakahanda ang grupo ng mga tao sa paligid sa oras na gumawa siya nang biglaang atake. At kapag pinakawalan ng mga 'yon ang mga palaso, mahihirapan silang kumilos sa gitna.
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasyTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...