2: Red Eyed girl

3K 66 12
                                    

KABANATA II

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA II


WINASIWAS ni Freya ang kanyang sandata. Kasalukuyan siyang nakikipagtunggali muli sa Aerico na naabutan niya sa kabilang bayan. Punong-puno ng inis ang kanyang sistema 'di dahil sa katunggali kung hindi dahil sa nararamdamang kirot sa kanyang braso. Nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang palagi na lang sumasakit ang parteng 'yon lalong-lalo na sa parte kung saan siya nagalusan.

"Bakit ba kasi sumasakit 'to kung kailan kailangan kong makipagtunggali sa mga Aerico?" Asik niya sa isipan.

Lumundag siya papalayo, mabilis na dumistansya mula sa katunggali. Binalingan niya ng tingin ang brasong nanakit at muli na naman niyang nakita ang kakaibang marka. Naiinis siya dahil pinababagal ng sakit na 'yon ang kanyang pagkilos. Tila ba may nais na kumawala sa parteng 'yon bagay na 'di niya maintindihan. Hanggat maari, tinitiis niya ang sakit na 'yon mapatumba lang ang halimaw sa kanyang harapan.

"Such pain!" Namilog ang mga mata niya nang may isa pang aericong lumabas mula sa kanyang gilid. Hindi niya 'yon kaagad naiwasan at naipansalag niya sa atake ang kanyang kanang braso. Ikinagulat niya nang may kung anong liwanag ang lumabas nang biglaan. Isang pwersa ang naghiwalay sa kanilang dalawa ng katunggali at tumulak sa kanila sa magkabilang parte ng damuhan.

"Damn," mas lalong kumirot ang kanyang braso. "Bad move."

Tumalsik ang dugo ng aerico sa kanyang kinatatayuan. Natigilan siya dala ng matinding gulat. Kitang-kita niya kung papaano tumagos ang kung anong sandata sa katawan ng katunggali. Mali. Hindi sandata ang nakikita niyang nakabaon sa katawan ng katunggali. Isang likidong pula ang tumagos sa katawan nito.

Naging alerto siya sa paligid at mas lalo pang dumistansya sa halimaw. Mula sa likuran no'n ang biglaang atake. Kung hindi siya magkakamali, mula sa harapan niya nagmula ang kakaibang bagay na nakabaon sa katawan ng halimaw.

"What a strange monster." Tinig ng isang babae ang kanyang narinig. Napansin niyang tinamaan din ng kung anong bagay ang isa pang aerico na nakatunggali niya kani-kanina.

Mula sa paligid ng makakapal na halaman, lumabas ang isang babaeng nakasuot ng maskara. Napaatras pa siya nang mapansing mapupula ang mga mata nito na kalmadong nakatingin sa kanya. Mahaba ang kulay ginintuang buhok at may hawak-hawak na sandatang kakulay ng nakabaon sa mga aerico.

"I-isa kang aerico." Saka niya itinapat ang sandata sa dalaga.

"So what if I am?" napatiim ang kanyang bagang. Hindi niya rin inaasahan na magagawang kumausap ng mga aerico na parang tao. Base sa mga nakatunggali niya, tila ba hindi na nakakapag-isip ng maayos ang mga nilalang na nagiging halimaw. Lalong-lalo na ang mga literal na Aerico. Ngunit ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan, ang babaeng nagtataglay ng mapupulang mga mata'y nakakausap niya ng maayos bagay na kanyang ipinagtataka. "Hindi naman siguro masasaktan ang pride mo kung isang aerico pa ang magliligtas sa 'yo mula sa isa pang aerico?"

Take over ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon