THEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KABANATA V
MABILIS iniwasan ni Freya ang pag-atake ng aerico. Naro'n naman si Zen para umatake sa halimaw at kaagad itong natamaan sa balikat. Dumistansya sa papalayo sa nagtutunggaliang katabi, batid niyang mas makakakilos na nang mas maayos ang kasama ngayong nakatayo na ito nang maayos. Kitang-kita niya kung papaano bumagsak sa lupa ang naputol na braso ng aerico sa lupa.
"H'wag mong hahayaang masugatan ka niya't mapasukan ka ng dugo ng halimaw." Paalala niya.
"At sa tingin mo naman hahayaan kong masugatan ako nang gano'n-gan'on na lang? Lamok nga hindi ko pinadadapo sa balat ko eh!"
"Kaya pala nadengue ka noong nakaraang buwan." Panunudyo niya.
"Nagkataon lang ang lahat!"
Napako ang tingin niya sa kaibigan. Napakabilis nitong kumilos, sigurado ang mga binibitawang atake. Napansin niyang mas maayos na ang pamamaraan ng pag-atake nito kaysa sa atakeng nakita niya bago pa man siya pumagitna sa laban. Hindi na nababakas sa mukha nito ang pag-aalala bagay na kanyang ikinatuwa. Ilang minuto ang lumipas, napabagsak nito ang aerico at naiwang duguan sa lupa. Winasiwas nito ang espada sa lupa para na rin matanggal ang ilang naiwang dugo mula ro'n.
Agaran itong humarap sa kanya. Ikinabigla niya ang pagkabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya'y bumagal ang buong paligid habang papalapit ang binata sa kanya. Pakiramdam niya'y nagtungo sa kanyang mukha ang lahat ng dugo niya. Mas lalong namilog ang mga mata niya nang makita niyang itinaas nito ang kamay na para bang handa na siya nitong yakapin.
"Okay ka lang ba?" Yumanig ang kanyang sistema nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat kasabay ng pagyugyog. Inaasahan pa man din niyang yayakapin siya nito. Sunod-sunod ang pagyugyog nito sa kanya at may mga pagkakataon ding tinitingnan nito ang braso niya kung may natamo siyang sugat.
"Damn! Tigilan mo nga 'tong pagyugyog sa akin! H'wag mo nga rin akong hinahawakan kung saan-saan. Gosh! Hindi ka security guard para kapkapan mo ako o hawakan kung saan-saan!" pagtulak niya sa binata.
Nakita niyang nakahinga ito ng maluwag. Tumingin ito ng seryoso sa kanya na ikinailang niya. Nagulat siya nang muli siyang hawakan nito sa balikat at ikinulong sa yakap. Napakahigpit at halos ibaon na nito ang ulo sa kanyang leeg. Nararamdaman niya rin ang malakas na tibok ng puso nito. Bahagya pa siyang napaisip kung tibok nga ba 'yon ng puso o tibok ng puso niya.
"Damn, Freya, hindi mo alam kung papaano mo ako pinag-alala." Nanatili siyang nakatingala sa kalangitan habang dinadama ang yakap ng binata. Marahang gumihit ang ngiti sa kanyang labi. Dahan-dahan siyang yumakap pabalik dito at ibinaon ang ulo sa dibdib nito.
It was so damn warm. Iyon na yata ang gusto niyang gawin sa buong maghapon. Kung kaya niya lang pigilin ang oras ay ginawa na niya. Pakiramdam niya'y nalulunod siya sa nag-uumapaw na saya. Muli siyang nabigyan ng pagkakataon para makasama ang taong nagugustuhan niya, muli siyang nabigyan ng panahon para mayakap ito't makita ang ngiti sa mukha. Ikinagagalak din ng loob niya kung gaano siya kaimportane para mag-alala nang gano'n ang kaibigan.