KABANATA IV
TULALA lang si Freya sa isang tabi habang nag-uusap ang mga aerico sa kanyang harapan. Para siyang manikang nakaupo sa sulok habang nagdidiskurso ang kanyang mga kasama. ang babaeng mayroong mahabang ginintuang buhok, ang dalagang nakilala niya sa kakahuyan at ang nagligtas sa kanya ay nagngangalang Flair Ulrich. Ang binatang kadalasan nitong kasama ay nagngangalang Ciel Castor. Mga aerico at ngayon ay kasalukuyang nagpapatuloy sa kanya sa lugar na 'di niya alam kung saan eksakto matatagpuan.
Nilingon niya ang malaking bintana at nakita ang nagtataasang mga puno. Magarbo rin ang pulang kurtina na nakatali sa gilid ng bintana. Tila ba dumadaan lang sa tainga niya ang tinig ng mga kasama na 'di naman niya gaano maintindihan.
Napansin niyang natigilan ang pag-uusap ng mga aerico nang dumating ang isang matandang babae habang tinutulak ng isang katulong ang wheel chair. May ngiti sa mukha ng matanda habang ito'y nakatingin sa kanya. Napansin niyang napatayo ang mga katabi niya nang makita ang matanda. Binalingan niya ng tingin ang katulong na nagtutulak sa wheel chair. Kumunot ang noo niya at ipinagtataka kung isa itong normal na tao tulad ng inaasahan niya. Napalunok naman siya nang masilayan ang mapupulang mga mata nito nang magtama ang tingi nila.
Mabilis ang pag-iwas niya sa tingin nito. Napansin niyang nakangiti pa rin sa kanya ang matanda.
"Ikaw baa ng sinasabi ni Flair na kasalukuyang reaper?"
"Ako ang taong dinala niya rito. Isa akong tao." Mariing sambit niya. "Tao." marahang tumango ang matanda sa kanya. Mula sa kanyang peripheral vision, alam niyang nakatingin sa kanya si Flair at Ciel. "Kayo ho ba si Shanaia?"
"Ako nga," naramdaman niyang bumalik sa upo ang mga katabing aerico at nanatiling tikom ang bibig. "Ipinagliwanag na ba sa 'yo ni Flair ang lahat? Ang tungkol sa 'yo at kung ano ang gagampanan mo sa mundong 'to?"
"This may be rude pero ang tatanggapin ko lang na impormasyon ay tungkol sa pagiging tao ko. Kung papaano ako makakabalik sa dati kong kondisyon."
"I've already told you. You can't." pagsingit ni Flair sa gilid.
Kumuyom ang kamao niya. Seryoso ang tingin niya sa matanda at punong-puno ng pag-asa na may maari itong magawa sa kanyang kalagayan. Hindi niya gustong maniwala sa mga narinig niya mula kay Flair. Napaka-imposible ng sinasabi nito para mangyari ang mga bagay na 'yon sa reyalidad. Tila ba nabura ang natitirang pag-asa nang makita niya ang malungkot na ngiti sa mukha ng matanda.
"Totoo ang sinabi ni Flair," pakiramdam niya'y may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata. "Isa rin sa dahilan kung bakit nagiging aerico ang isang tao ay dahil sa paghalo ng dugo nito sa bukas na parte na katawan ng isang tao. Halimbawa, sa isang sugat, kung nagawang makalmot o makagat ng aerico ang isang tao. Sa oras na humalo ang dugo ng aerico sa mortal ay malaki ang tyansa na maging katulad namin sila."
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasyTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...