KABANATA VII
MALALIM ang ginawang paghinga ni Freya. Tila ba tumakbo siya nang napakalayo at halos hindi na makapasok ang hangin sa kanyang sistema. Sunod-sunod ang pagbagsak ng kanyang luha. Kulang na lang madurog ang puso niya sa kanyang nakikita. Tila ba may sumaksak na patalim sa kanyang dibdib nang makita niya ang lumuluhang mga mata ni Zen.
"Freya!" pagsigaw nito. "Freya!"
"Z-zen..."
"Freya nasaan ka?!" he was hopeless.
Marinig niya lang ang nagmamakaawang tinig nito'y hindi niya maiwasang mapaluha. Hindi niya magawang tingnan ang binata sa gano'ng kalagayan. Tila ba handang-handa nitong gawin ang lahat para sa isang katulad niya na nanakit rito. Kahit na nakatayo siya sa harapan nito'y hindi siya nito makita.
Dahan-dahan niyang tiningnan ang kanyang braso. Hindi na ito tulad ng braso ng isang ordinaryong tao. Tila ba naging triple ang laki nito, mayroong kakaibang marka at para bang naging kamukha nito ng balat ng buwaya. Nababalutan ng dugo at mayroong mahahabang itim na kuko.
Nang ibalik niya ang tingin sa binata'y ikinagulat niyang nawala ito sa kanyang harapan. Tangin ang sariling repleksyon niya lang ang nakikita sa sandaling 'yon. Ang kanang mga mata niya'y mapupula at halos mabalot ng itim ang puting parte ng kanyang mata. Of course, hindi na siya makikita pa ng kanyang kaibigan dahil hindi na siya ang Freya na kilala nito.
Hindi na siya si Freya Izon na nagtatanggol sa mga tao laban sa aerico. Ang dalagang pumapatay ng masasama. Dahil sa sandaling 'yon, siya na ang kinakailangang patayin. And she think, it's a very sad story.
"Freya." Maging siya'y napatigil sa pagkilos nang makita niya ang binata sa kanyang harapan. Napalunok siya nang makita niya itong seryosong-seryosong nakatingin sa kanya. "You're not the Freya I know."
"Zen..."
"You're a monster!" namilog ang mga mata niya nang iwasiwas ng binata ang sandata nito at ibaon sa kanyang katawan.
Pumitlag siya at mabilis na bumangon. Gulat na gulat siya at halos mawindang sa nanyari. Naramdaman niya ang luhang tumutulo sa kanyang pinsgi habang naghahabol ng hininga. Ilang gabi na niya ito napapanaginipan, ilang gabi na siya pinahihirapan ng reyalidad na hindi na siya tao, ilang panaginip na kung saan niya nakikita ang nagmamakaawang kaibigan. Ang sandali kung saan kinakailangan niya itong traydurin at sumama sa mga aerico.
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
Viễn tưởngTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...