KABANATA XII
NAABUTAN ni Freya na nagpupulong ang mga aerico sa mansyon. Isang papel ang nakalatag sa sala at napansing niyang mukhang problemado ang mga naroro'n. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas niya ng basang buhok habang papalapit sa mga 'yon. Nakita niyang nilingon siya ng ilang mga katulong ngunit nanatili sa kani-kanilang posisyon ang ilan. Pinagmasdan niya ang mga 'yon at nakitang pati si Shanaia na kasalukuyang nakaupo sa wheel chair at halos 'di maipinta ang mukha.
"Mukhang hindi pa nga gano'n nauubos ang ilang mga aerico. Mayroon pa ring mga nakaligtas noong nangyari ang massive killing ng mga tao ilang taon na ang nakakalipas." Dinig niyang komento ni Flair. Dahan-dahan siyang umupo sa bakanteng sofa, patuloy na inaalam kung ano nga ba at para saan ang nangyayaring pagpupulong. "Mukhang kailangan talaga naming ubusin pa ang mga nakaligtas. Siguradong pakay nila ang bagong reaper ngayon para makuha ang kapangyarihan nito." Saka ito lumingon sa kanya.
"Ano bang nangyayari ngayon? Bakit hindi ko alam na may pag-uusapan pala rito?"
"Mukhang kasama nila ang nakatunggali namin ni Freya nitong nakaraan. Pero sigurado akong hindi na makakarating sa iba ang balita tungkol sa kanya lalong-lalo na't si Freya mismo ang nagpatumba," natigilan si Flair at napailing. "I mean take over, sa katawan at kaluluwa no'n."
Nilingon niya ang mga nagpupulong sa paligid. Ni hindi man lang nito pinansin ang presensya niya sa paligid at tuloy lang sa diskurso. Sumandal siya't ipinagpatuloy lang ang pakikinig sa mga 'yon. Pinagmasdan niya ang kanyang kanang kamay. Halos makaligtaan na niyang nagagawa ng kamay na 'yon na kumuha ng mismong kaluluwa ng mga aerico at magamit sa pakikipagtunggali. Ipinaliwanag na sa kanya ni Shanaia ang kakayahan na 'yon bagay na hindi naman niya aakalaing makukuha niya.
"Baka nakakalimutan mong may tenga ang balita, Flair. May pakpak ang impormasyon, siguradong magtataka rin ang ibang reapers kung bakit hindi na bumalik ang isang Class S aerico sa puder nila."
"Siguro naman pwede niyo sa aking ipaliwanag ang nangyayari?" singit niya sa usapan. "Kanina pa ako narito pero mukhang wala kayong balak na iparating sa akin kung tungkol saan ang usapan."
"Sinubukan kitang gisingin kanina pero tulog troso ka. Nag-iwan ako ng sticky note sa pinto mo pero mukhang hindi mo nakita." tamad na saad ni Flair.
"Actually hindi ko nga nakita."
"Edi kasalanan mo 'yan." Saka ito nagkibit balikat. "Tungkol ito sa nangyaring tunggalian nitong nakaraan. Nagpadala ng sulat ang ilang aerico sa mga tao tungkol sa paghahanap nila sa kinaroroonan ng reaper. Mas magiging matunog kasi sa mga mortal ang tungkol dito dahil sila ang nakakapagpakalat ng balita sa mas mabilis na pamamaraan. Tsismis for short. Isa pa, mukhang pakay din nila ang mga mortal. Marahil gagawin nilang pain para lang mapalabas ka."
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasiTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...