KABANATA VI
NAPALINGON si Freya sa bandang likuran ng bayan nang makarinig ng komusyon sa 'di kalayuan. Maging ang kanyang kasama ay bumaling din ng tingin sa lugar na kanyang tinatanaw. Pansin niyang ang ilang mga tao'y nagmamadali patungo sa nasabing lugar. Natatanaw niyang nagkukumpulan ang ilang mga tao sa lugar na 'yon samantalang ang ilan nama'y nanonood lang sa 'di kalayuan.
"Anong mayro'n sa lugar na 'yon?" Mabilis na kumalat ang balita sa buong bayan. Naroro'n ang ilang mga taong tila ba nagpapalitan ng impormasyon sa nangyari. Nanatili lang silang nakatayo, mula sa kanyang peripheral vision ay naaninag niyang ngumunguya lang ng mansanas na may tsokolate ang kasama. "Makibalita tayo."
"Hayaan mo na sila. Malalaki na sila. Isa pa, hindi naman related sa aerico 'yan kaya bakit tayo mangingielam?" saka ito muling kumagat sa mansanas. "Puntahan natin yung kabilang tindahan. Mukhang masarap ang ilang tinda sa lugar na 'yon."
"Gosh. Kakakain mo lang pero naghahanap ka na naman ng panibago. Diretso ba ang bituka mo?" iling-iling niyang tanong.
"Gusto mong tingnan? Halika bubuksan ko 'tong t'yan ko."
Mabilis siyang dumistansya mula rito at minata ang kasama. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo."
Ipinagpatuloy nila ang paglalakad. Pansin niyang maging ang tao sa kanilang paligid ay nakatuon ang tingin sa kanilang likuran. Lahat ay nagtataka sa nangyayari. Tila ba ang mga bata lang ang walang pakielam sa sandaling 'yon at silang dalawa. Muli niyang nilingon ang kasama, hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ang nakangiting mukha nito.
"Narinig mo na ba ang balita? May tatlong lalaking patay sa may eskinita. Hinihinalang aerico ang gumawa no'n sa kanila." Pareho silang napatigil nang marinig ang sinabi ng kasabayang babae.
"Grabe ang nangyari sa isang lalaki. Halos mabutas ang puso nito't madurog. Samantalang 'yong dalawang lalaking kasama, hihiwalay na ang ulo sa mismong katawan."
"Talaga ba? Papaano mo naman nalamang aerico ang may gawa nito?"
"Mayroong nakakita sa nangyari. Mayroong dalawang estrangherong nakamaskara ng pula't itim ang umalis mula sa nasabing eskinita. Yung lalaki, balot na balot ng dugo ang mga kamay."
Kaagad na gumapang ang kaba sa kanyang sistema. Maaring ang tinutukoy ng mga 'yon ay ang mga aericong kilala niya. Ang karaniwang maskarang ginagamit ni Flair ay kulay pula samantalang kulay itim naman si Ciel. Maaring sila ang tinutukoy na pumapatay sa mga lalaki subalit maaring hindi rin sila.
Naaninag niyang itinapon ni Zen ang stick sa basurahan. Sinundan niya ito ng tingin at kaagad din naman itong lumingon sa kanya. Napakamot ito sa ulo at tila ba nawawalan ng gana. "Umaasa pa naman akong magiging tahimik ang paglilibot natin ngayon. Nang dahil sa mga aerico na 'yon, hindi tayo makakapagsaya ng maayos."
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasyTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...