9: Wounded

1.7K 56 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KABANATA IX

Every time she look in his eyes, she hope to see something there. That maybe he'll care just like he did before. But as for the moment, his eyes are covered with anger, hatred. Just like that, the man she knew disappears in a split seconds.

Tila ba nabuhusan nang malamig na tubig si Freya nang makita niya si Zen 'di kalayuan sa kanila. Naaninag niyang may ilang mga taong may hawak-hawak na sandata ang lumapit sa kanyang kaibigan. May mga mababae, may mga lalaki. Tingin niya'y mga kasamahan nito ang mga tao sa bandang likuran. Napansin niya ring dumistansya nang mas malayo ang ilang mga tao habang abala pa rin ang iba sa pagpatay ng mapaminsalang apoy.

"Oh?" dinig niyang komento ni Ciel. "Akala ko pa naman ay nasa kabilang bayan ang mga batang 'to."

"Ciel, H'wag mo silang masaydong inisin. Hindi natin sila dinayo rito, iba ang trabaho natin sa trabaho nila." Suway ni Flair.

"Pero mukhang tayo ang pakay nila. Papaano 'yan?"

Hindi maalis ang tingin niya sa binata. tila ba galit ang namamayagpag sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Kamuntikan na niyang makaligtaan, sinabi niya rito na kinunsume ng aerico ang katawan ng kanyang katabigan—which is totoo nga naman. Hindi niya sinabing siya pa rin ang Freya'ng nakasama niya noon, ang Freya na mayroong napakaraming ala-ala noong sila'y magkasama pa.

"Narito ako para kunin ang kinuha niyo sa akin." Napalunok siya nang malalim. Hindi pa man siya gano'n nakakarecover sa ginawa niyang pagkain, heto na naman ang panibago niyang poproblemahin.

Nakita niyang itinapat ni Zen ang sandata sa kanilang harapan. Pansin niyang kanya-kanya rin namang paghawak sa sandata ang mga kasama nito sa likuran. Marahil ito ang mga kaibigan nitong hunters. Mga hunter na minsan ay 'di niya kinilala noon. Napangiti siya nang mapakla habang pinagmamasdan ang mga 'yon.

Buong buhay niya'y si Zen lang ang nakakasama niya. Hindi siya nakipagkilala sa ibang hunters dahil lumalaban lang naman siya para sa isang tao. Marahil ito ang tinatawag na 'kakampi sa oras nang pangangailangan.' Kitang-kita nang mga mata niya ang suporta ng mga 'yon sa kanyang kaibigan.

"Wala naman akong matandaang may kinuha kami sa 'yo." Kinabahan siya sa sinabi ni Ciel. Hindi niya ito gano'n kasundo. Napakalaki ng posibilidad na ilaglag nito ang katotohanan tungkol sa kanya. At sa oras na marinig 'yon ng kanyang kaibigan, gagawa ito at gagawa ng paraan para tulungan siya sa isang bagay na hindi na maaring mabago pa.

Dahan-dahan siyang tumyo mula sa pagkakasalampak. Napansin niyang lumingon sa kanya ang mga hunters maging ang kanyang mga kasama. Ginawaran niya ng seryosong tingin ang mga 'yon lalong-lalo na ang kaibigan niyang si Zen.

Take over ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon