BP 1

5K 119 29
                                    

Salamat kasi ikaw yung first na nag-vote sa story na to. Arigato :]]

_____________________________________________________________________________

TRISHKA'S POINT OF VIEW

"Ate! Gumising ka na! Ano ba? Bakit ka umiiyak habang natutulog ka?! Natatakot na tuloy ako sa'yo. Ate!! Gising na!!!!" Niyugyog pa ako ni Clarisse, kapatid ko na one year lang yung agwat namin sa isa't isa.

Katabi ko na siya ngayong matulog sa kama kasi minsan daw nagii-sleepwalking daw ako pero natatakot lang sila na baka di na ako magising isang araw. HEHE. Wag kayong matakot.. I'm still breathing. ^________^

Idinilat ko yung mga mata ko. Tama nga si Clarisse.. basang-basa ako ng mga luha ko. Agad akong bumangon at natulala sa kanya.

"Ate? May sapi ka ba ngayon? Bakit ka nagkakaganyan?"

Panaginip lang pala ang lahat. Salamat. Akala ko totoong iniwan na ako ni Gino.

"Wala to. Nanaginip ako na natanggal daw ako sa trabaho kaya umiyak ako. Kumain ka na ba?"

"I don't believe you, Ate.. Kanina mo pa kaya tinatawag yung name ni Kuya Gino. Is there something wrong? Nag-away ba kayo? Tell me, Ate.."

"Chismosa kang bata ka. Wala yun. Na-miss ko lang si Gino. Ilang days na kasi siyang di nagte-text sa akin.. nagpapakita o kahit tumawag man lang. Di ko alam kung anong problema kasi wala naman kaming pinag-awayan unless.."

Hinampas ako sa braso ni Clarisse." Bad! Sa tingin ko.. wala namang iba si Kuya Gino. Loyal kaya yun sa'yo. Hay nako.. baka busy lang si kuya. Wag ka ngang mag-isip nang ganyan."

"So.. siya ang kinakampihan mo?"

"Ate.. mahal na mahal ka ni kuya Gino at ramdam ko yun kaya wag ka mag-doubt dyan. Maybe he has his own reasons. Baka may problema siya sa family niya kaya medyo distance muna siya sa'yo. Be patient.. maghintay ka lang, Ate."

Huminga ako ng malalim. Tama nga si Clarisse. Baka nagkaproblema nanaman sa family niya kaya medyo di siya nagpaparamdam. He is always like that pero di ko alam kung bakit ngayon lang ako nakaramdam ng kaba.. ng takot..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I dialled his number.

Almost 10 times na pero di niya pa sinasagot.

I almost cried. "Gino.. you're so mean. Bakit ka ba biglang nawala? Alam mo ba.. nanaginip ako kagabi.. na nawala ka daw."

Tinawagan ko ulit siya.

"Gino.. di ba nandyan ka pa rin naman? Di ba.. di mo naman ako iiwan? Di ba.. mahal na mahal mo ako? If that so.. nasaan ka ngayon? Wala naman tayong pinag-awayan ah.. Okay naman tayo.. Mahal kita.. mahal mo ako.. Pero bakit? Why? Sagutin mo naman ako.."

Kinuha ko yung panyo ko para punasan yung mga luha ko. Di ko na kaya. Sobrang sakit na. Yung tipong di mo na alam kung meron pa bang tinatawag na "kayo" o "ako" at "ikaw" na lang. Hindi ko alam.. di ko alam..

"Gino.. I will love you forever."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Wala na sina Gino dito.. Lumipat na sila sa Canada last week. Akala ko alam mo na."

"T-tala ..ga ..po..?"

"Oo.."

"B-bakit daw po?"

"Di ko alam eh. Pasensya ka na, hija. Di ko talaga alam."

Tumulo nanaman yung luha ko."Sa tingin niyo po, bakit kaya? ... bakit po kaya?.. bakit niya ako iniwan?"

Lumapit sa akin yung ale tapos may binigay na notebook sa akin. 

"Para sa'yo yata to, hija. Bago sila umalis sa bahay na yan, nakita ko to sa tapat ng gate namin tapos nakalagay pa yung pangalan mo dyan. Wag ka mag-alala kasi di ko binasa yan at di ko binuksan yan."

Dahan-dahan niyang inabot yung notebook sa akin. "Sige po.. maraming salamat po." Pasasalamat ko sa nanginginig na boses. 

Halos kinagat ko na yung labi ko para mapigilan ko yung luha ko pero USELESS. Tuloy-tuloy pa rin na parang ayaw nang tumigil. Umupo ako sa bench malapit sa lugar na yun saglit at dahan-dahang binuksan ko yung notebook na yun. 

I love you.

______________________________________________________________________

Vote, comment and be a fan.

_______________________________________________________________________

Broken Promises [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon