BP 3

4.2K 91 29
                                    

TRISHKA'S POINT OF VIEW

"Ate!!!! Ano ka ba naman?! Blockbuster na nga yung coffee shop mo tapos umiiyak ka naman.Hoy! Di ba dapat masaya ka diyan? Di yung nagmumukmok ka. Akin na nga yang tissue box na yan." Inagaw niya sa akin yung tissue box na hawak ko.

Inagaw ko sa kanya yung tissue box na kanina ko pa hawak-hawak. "Ya! Wag ka ngang KJ!! Tears of joy yan.. ayaw mo bang masaya ang ate mo?"

"Anong masaya dyan? Eh halos isang oras ka nang nandito sa kwarto mo tapos nagpapaka-emo lang pala. Tss.. akala ko ba nakamove-on ka na kay Kuya Gino."

"I thought so.." 

"Nga pala.. magkakaroon daw tayo ng bagong butler. Anong balak mo nanaman? I think padadaanin mo nanaman yun sa butas ng karayom."

"Buti alam mo."

Pinisil niya yung pisngi ko."Ikaw talaga, Ate. Naalala ko tuloy kung paano dumaan sa challenges si Kuya Gino bago mo siya naging butler."

"Bakit nasama si Gino sa topic?"

"Weh? Ate .. wag ganyan.. Parang bitter ka eh. Well.. goodluck sa magiging butler mo..pupusta ako na one week.. ay hindi.. one day lang yung itatagal niyan sa'yo. Lalabas na ako ah."

"Hoy! Yung tissue ko!"

Hinagis niya sa akin yung tissue box. "Magsama kayo ng tissue mo!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

June 20

Man! Para lang mapatunayan ko sa parents ko na di ako dependent sa kanila .. susubukan kong maging butler ngayon. Wish me luck! 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil medyo.. I mean.. we're living a prosperous life, ayaw ni mom na wala kaming mga maids at butlers. Simula pagkabata pa lang namin, may mga naka-assign na para mag-alaga at magbantay sa amin. I don't like that idea ever since kasi almost 24/7 may nakamasid sayo. Basta parang kinukuha yung privacy mo.. yung tipong pati pag-ihi mo, kailangan sabihin mo sa butler mo kasi baka nga naman tumakas ka. I hate that! Parang naka-under surveilance ako na parang may gagawing masama kaya kailangan bantayan. Amp.

Kaya ayun.. medyo pasaway talaga ako sa kanila especially sa mga butler. I always managed to escape at dahil doon kaya nasisibak sila sa trabaho. I'm so naughty kaso ayoko talaga but everytime I want to tell mom about it, palagi siyang nagagalit sa akin. WORRIED lang naman daw kasi siya sa akin. So ganito pala ang pag-aalala.. I'm so touched. HEHE.

Yung kay Gino... hmm .. basta!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Broken Promises [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon