BP 13

2.9K 67 19
                                    

TRISHKA'S POINT OF VIEW

"Clarisse, okay na ba to? Bagay ba sa akin?" Nakatingin lang siya sa akin. Ayos din tong kapatid kong to eh.. parang wala lang akong kausap ngayon."Ya! Kausapin mo naman ako! Di mo naman ako sinasagot eh!"

"Ate.. okay ka lang ba talaga? Pwede ka namang di umattend sa reunion niyo eh. Masama kasi yung kutob ko ngayon. Tsaka.. parang niloloko mo lang yung sarili mo."

"What do you mean?"

"Kasi.. alam kong di ka okay ngayon tapos pipilitin mong maging masaya sa party na yun. Di ka ba napapagod sa ganoong set-up, Ate? Worried lang naman ako sa'yo."

"I know.. pero.. wala rin namang mangyayari kung patuloy lang akong magmumukmok. Di ko naman maibabalik ang lahat."

"Bakit ka nag-let go sa kanya? Pwede mo namang sabihin na di mo kaya. Siguro naman.. maiintindihan ka niya."

"Clarisse.. di ko alam. Naisip ko lang nung time na yun na kailangan kong gawin kasi alam kong may reason siya although di ko alam kung anuman yun. Kahit masakit.. I tried to let him go. Ya! Wag mo nga akong paiyakin!" Tumingala na lang ako sa ceiling para pigilan yung pagtulo ng luha ko.

Niyakap ako ni Clarisse. " Ate, wag ka na kayang pumunta sa reunion."

"Di mo mababago ang decision ko. Basta pupunta ako. Sa tingin ko naman, okay na tong suot ko kaya aalis na ako. Bbye." Nag-wave goodbye pa ako sa kanya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Masquerade party yung pupuntahan ko kaya syempre may dala akong maskara. Bigla kong naisip na sana nakamaskara na lang ako palagi para di nila napapansin na di ako okay. Nakakainis kasi halata kaagad nila kapag may problema ako. Sabi nga sa akin ni Clarisse.. di daw kasi marunong magsinungaling yung eyes ko. Amp! Maturuan nga minsan ! >_<

Bale yung reunion na yun, para sa batch namin kaya syempre, marami yung umattend. Nagpagandahan at pabonggahan pa nga sila ng mga maskara at formal wear nila samantalang ako.. simple lang.

Medyo late na ako nakarating kaya nung nandoon na ako, nagsasayawan na sila. Lahat nakamaskara kaya di ko alam kung nasaan na yung mga classmates ko noon sa dami ng tao dun. Tsaka.. uso pa pala to. Yung parang may grand ball na may nagsasayawan sa slow music. How I wish.. isa na dyan ang prince charming ko. Charot lang! Hehe.

Busy silang lahat sa pagsayaw nang may biglang humapit sa bewang ko. Napahawak na lang ako sa shoulders niya kasi kung di ko gagawin yun, mahuhulog ako. Sino ba tong bigla na lang nanghahatak?!

A smile curved on his lips.

That smile.

tug.tug.tug

It can't be..

Broken Promises [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon