TRISHKA'S POINT OF VIEW
I opened my eyes. Nakita ko yung worried na mukha ni Clarisse at ni mom. Agad akong bumangon.
"Trish.. magpahinga ka muna." Kahit yun lang yung sinabi ni mom sa akin, nakita ko yung pag-aalala sa mga mata niya. Hinawakan niya yung mga kamay ko pero ramdam ko yung panginginig ng mga kamay niya.
"Ate.. okay ka lang? Grabe! Kinabahan ako kanina.. Muntik na yun.. Akala ko..Akala ko.. Ate naman eh!" Tapos umiyak na tong kapatid ko. Ngumawa na parang bata.
"Ya! I'm alive! Wag ka na ngang umiyak dyan."
Tinanggal ko na yung mga nakalagay sa akin at tumayo na sa hospital bed na yun. Yeah. Nasa hospital ako ngayon.
"Saan ka pupunta, Trish?"
"Sa kanya."
"Trish!" Pinigilan ako ni mom pero ako yung nagpumilit na lumabas ng room ko.
Agad akong tumakbo kahit di ko alam kung saan ko sisimulan o kung saan ako papunta. Di ko alam.. tapos nanginginig pa rin ako hanggang ngayon. Agad ding tumulo yung mga luha ko. Umiiyak nanaman ako kasabay ng kabang nararamdaman ko. Yung kaba ko ngayon.. yung tipong pati yung utak ko natutuliro na... basta gusto ko lang siyang makita ngayon.
"Butler Lollipop!!!!!!"
Wala na akong ibang alam na matatawag sa kanya kasi di ko naman alam yung name niya at kung sino siya basta gusto ko siyang tawagin. Kahit na sabihin na nilang nasisiraan ako ng bait.. wala akong pakialam.
Lumingon sa kaliwa't kanan ko at nagbabakasakaling makita ko kung nasaan siya. Nadulas na ako at napaluhod sa sahig ng hospital. Bahala na sila kung sabihin man nilang baliw ako basta gusto ko siyang makita..
"Ate.. nandyan si butler pogi.." Inalalayan ako ng kapatid kong makatayo at tinuro niya yung room na nasa tapat ko.
Agad kong binuksan yung pintuan.
tug.tug.tug.
"Umiiyak ka nanaman." Sinabi niya habang nakangiti siya.
Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan. Lalo akong naiyak sa pagngiti niya. "Ya! Baliw ka talaga!!" Pumunta ako sa tabi niya tsaka tumungo at umiyak sa bandang may dibdib o tiyan niya. Basta nakahiga siya then nasa side niya ako at ganoon yung ginawa ko. Parang ngayon ko lang naibuhos lahat kasi kanina talaga natakot ako na mawala siya. Thank God na ligtas siya ngayon at promise ko na di na ako magpapasaway sa kanya.
"Daplis lang naman, Miss. Malayo sa bituka.. wag ka nang umiyak diyan please?" Hinaplos niya yung ulo ko na para akong batang pinapatahan sa pag-iyak.
"Eh?! Nakakatakot kaya! ..Natrauma ako! Akala ko.. akala ko.. mawawala ka..." Akala ko sa sobrang bilis ng pangyayaring yon.. he will be gone.
BINABASA MO ANG
Broken Promises [completed]
Short StoryAll of a sudden, Gino was gone at di alam ni Trish kung bakit ito nawala at kung saan ito nagpunta. After one year, she met a guy na halos katulad ni Gino. Katulad in a way na kung anong nangyari sa kanila dati ni Gino, yun din yung ginagawa at nang...