CLARISSE' POINT OF VIEW
"What?" Nakita ko yung pagkagulat sa mga mata niya.
Oo na.. oo na. Wag mo nang ipangalandakan sa akin na di mo ako type. Alam ko namang si Ate talaga yung agenda mo dito eh.
"What ka diyan? Ang sabi ko.. mag-date tayo. Ayaw mo ba? Ikaw na nga tong niyayaya, ikaw pa tong choosy."
Kaasar much >___< Kung di lang talaga dahil kay Ate, di ako makikipag-date sa isang to.
"If that so.. let's go. Wala naman akong sinabi na tutol ako. Pero.. nasaan ba yung ate mo?"
I smiled at him pero pinilit ko na lang para pumayag na to. " Mamaya.. sasabihin ko ah. Behave ka lang ah. Tara na. Dalian na natin!" Sabay angkla ko sa braso niya. Kapag pumalag talaga to, kakaladkarin ko to.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I looked at him. Infairness.. ayos yung disguise niya. Di ko nahalatang siya yung respetadong Director ng sikat na company kasi parang.. artista lang siya ngayon. Parang naging cool yung look niya eh.. Nah.. Di ako attracted sa isang to.
Ako din syempre nagbago ng look kasi mahirap na kapag may nakakita pa sa amin. Kaso medyo halata pa rin ako kasi nag-ipit lang ako ng buhok ko pero ayos na yun. Tsaka pinalitan ko naman yung way ng pananamit ko.Bahala na. HAHA.
"Why do we need to look like this?" Tanong niya sa akin habang magkasalubong yung kilay. Medyo masungit pa yata tong isang to.
"Wala lang.Trip. Para astig." Tapos nag-rock sign ako. Mukhang timang lang. Haha. Di niya kasi na-gets. Masyado kasing formal tong taong to.
"Please tell me the truth? May nangyari ba kay Trish? Sabihin mo na sa akin. I just want to help."
Huminga ako ng malalim."Director Lee.. sabihin na nating magkakaroon ng matinding problema si Butler Jelo ngayon."
"Eh ano namang connection nun sa Ate mo?" Aisshh.. Oo nga naman. Layo nga no?
"Ah.. eh.. Paano ko ba i-eexplain? Basta! Malalaman mo na lang mamaya. Kelangan lang natin silang sundan kasi .. tara na nga!" Hinatak ko nanaman siya at naglibot ng tingin sa paligid kasi baka nasa tabi-tabi lang sila.Luckily, nakita ko si Butler Jelo at si Ate na papasok sa isang tennis court.
Masama ang kutob ko dito.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I'll explain everything kung bakit ako nagkakaganito.
Kapag nagyaya si Ate at sinabi niya yung sentence na : "Sumama ka sa'kin!" , na pasigaw.. ibig sabihin lang nun, depressed si Ate.
BINABASA MO ANG
Broken Promises [completed]
Short StoryAll of a sudden, Gino was gone at di alam ni Trish kung bakit ito nawala at kung saan ito nagpunta. After one year, she met a guy na halos katulad ni Gino. Katulad in a way na kung anong nangyari sa kanila dati ni Gino, yun din yung ginagawa at nang...