TRISHKA'S POINT OF VIEW
"Trish----------"
Bigla akong tinamaan ng bola ng volleyball. Nawala tuloy ako sa concentration tapos di ko pa narinig yung sinabi ni Jelo. Bumaling yung attention ko dun sa batang tumatakbo na papalapit sa akin.
"I-----"
Hingal na hingal na lumapit sa akin yung bata na nakatama ng bola ng volleyball.
"Ay.. ate.. sorry po."
Hinawakan ko yung part na tinamaan. Sa totoo lang, masakit eh pero bata naman to kaya okay lang. Inabot ko na sa kanya yung bola.
"Okay lang. Medyo lumayo na lang kayo. Buti na lang di tinamaan yung horse kundi baka magwala yan. Lagot tayo."
"Sorry talaga, Ate ha."
He's such a cute boy. Parang madali mong mapapatawad yung ganito ka-cute na bata. ^____^
"Sorry po talaga." Naku.. parang iiyak pa yung bata.
"Gusto mo ng lollipop?" Bakit ko nga ba siya tinanong kung gusto niya ng lollipop? Haha..
"Hindi na po. Sige po.. sorry po ulit. Lalayo na lang po kami. Babye ate!" Lumapit sa akin yung bata tapos may binulong. "Nakakatakot naman po yung boyfriend mo.. kanina pa po masama yung tingin sa akin pero mabait naman po yan si Kuya Jelo." Paano niya nakilala si Jelo? Tumingin ako kay Jelo na daig pa ng batang inagawan ng candy sa ichura niya. Natawa ako dun sa binulong nung bata. Tatanungin ko pa sana siya kaso bigla siyang nagsalita. "Babye, Ate!" Sabay kiss sa cheeks ko tapos takbo.
Nakita ko kung paano lumaki yung mata ni Jelo nung nag-kiss sa akin yung bata. Haha! Nakakatuwa talaga yung reaction niya.
"Tuwang-tuwa ka naman dun sa kiss nung bata." Sabay talikod niya sa akin.
"Ya! Pati bata ba naman.. pinagseselosan mo? Selos ka no? Aminin mo na.. dali."
Di pa rin siya humaharap sa akin. Ano bang problema nito? "HINDI AKO NAGSESELOS!!!"
"Eh bakit ka sumisigaw?! nga pala.. ano yung sinabi mo kanina? Di ko narinig eh. Ulitin mo dali."
"Wala.. Forget about it."
Pumunta ako sa harapan niya tapos pinisil yung cheeks niya. "Ikaw ah.. May paiyak-iyak ka pang nalalaman. Ano nanaman bang drama mo ha? Infairness.. cute mong umiyak."
"Bitawan mo nga ako!" Tapos sabay tanggal sa kamay ko sa cheeks niya.
BINABASA MO ANG
Broken Promises [completed]
Short StoryAll of a sudden, Gino was gone at di alam ni Trish kung bakit ito nawala at kung saan ito nagpunta. After one year, she met a guy na halos katulad ni Gino. Katulad in a way na kung anong nangyari sa kanila dati ni Gino, yun din yung ginagawa at nang...