BP 6

3.3K 83 29
                                    

a/n :

na-miss ko lang yung My Girlfriend is a Gumiho kaya kung trip niyong i-play yung Two as One.. pwede rin. medyo masaya naman yung chap na to kaya akma naman. Tsaka SUPER LIKE ko yung english translation ng kantang yan. Enjoy reading :DD

_____________________________________________________________________________

TRISHKA'S POINT OF VIEW

GINO <3 TRISKA

I glanced at him at nandoon pa rin yung ngiti sa mukha niya. Bigla akong kinabahan sa bagay na yon.. the last time na pumunta kami ni Gino dito, he wrote that secretly pero nakita ko naman kaya alam kong matagal na yung nakaukit sa bato. What's confusing me is that .. yung lahat ng ginagawa para sa akin ni Butler Lollipop.. I mean.. ni Jelo.. parehas ng ginagawa sa akin ni Gino.

Pero.. from the start, he insisted that he really don't know who Gino was. 

Sino ka ba talaga, Jelo?

Niyugyog niya yung balikat ko."Miss.. may problema ba? Kanina ka pa tulala eh. Di mo tuloy nakita yung tinuro ko."

"Nakita ko.."

"Hindi eh! Nakaalis na tuloy sila.."

"Sila?" What does he mean "sila"? Nakaalis na si Gino at Trishka? I don't get it.

"Hay naku! Sa iba ka nga nakatingin. Kanina kasi nandyan sa batong yan yung mga ducks. Wala lang.. gusto ko lang ipakita sa'yo yung mga ducks kasi baka di ka pa nakakakita ng ganoon. Wala na.. nandoon na sila sa ilog oh. Sayang." 

Ako lang pala yung nag-assume na tinuro ni Jelo yung nakaukit sa batong yun. Hay.. windang much na talaga ako!!! Sinuntok ko ng mahina yung ulo ko.. yung common na ginagawa kapag medyo naiinis sila sa way ng pag-iisip o kung may nagawa silang mali. Basta yun na yun.. hehe.. I must be crazy.

"Anong ginagawa mo, Miss?" Pinigilan niya yung pagsuntok ko sa ulo ko.

"Wala to. Medyo nababaliw lang ako."

"Gusto mo ng lollipop?" Napatingin nanaman ako sa kanya ng matagal. Parang tumigil yung oras..

"---"

"Miss? Okay ka lang?" 

Tsaka pa lang ako natauhan. "Lollipop? May baon ka pa rin hanggang ngayon? Di ka naman adik sa lollipop niyan?"

"Ewan ko ba. Hmm.. kung sila adik sa cigarette.. ako naman adik sa lollipop. Basta yun na yun. Tara!" 

"Saan nanaman tayo pupunta?" Sabay hatak ulit sa akin. Nakakatuwa tong si Jelo kasi parang bata kung magyaya tsaka parang siya yung mas excited kaysa sa akin. What a weird guy!

Broken Promises [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon