TRISHKA'S POINT OF VIEW
Kinabahan ako sa sinabi ni Clarisse sa akin. Mukhang may nagawa nga akong mali kay Butler Lollipop. Hayss.. Ano nanaman ba kasing nagawa ko? Bakit di ko na matandaan? Ulyanin na ba ako o sadyang KINALIMUTAN ko lang? Hay ewan! >_______<
Syempre.. may naghatid naman sa akin papunta dun sa bahay nila o bahay ng Lola niya.. ah.. whatever.. basta doon ako kaagad pumunta kasi kapag maysakit naman, nasa bahay lang yun for sure. Bumili na ako ng ingredients bago pumunta doon kasi balak kong gumawa ng corn soup para sa kanya. Yun na rin yung way ko para pagbayaran yung kasalanan ko sa kanya.
"Tao po?" Wala pa ring sumasagot. Wala yatang tao sa bahay nila. Amp.. di pwede yun, nandito lang yun. Try ko pa nga ulit.
"Tao po----" May nagbukas na ng pinto.
Nag-smile ako syempre. "Good morning po, La. "
"Pasok ka, hija."
"Ay hindi na po.. Si Jelo po ba nandyan?"
"Wala eh.. pagkakaalam ko, pumasok siya sa trabaho niya. Subukan mong tawagan siya. Alam mo naman yung apo ko, biglang nawawala na lang minsan. Di ko nga alam kung saan din siya nagtatrabaho. Pasensya na ah."
Bumagsak yung balikat ko.. wala pala siya dito.
"Okay lang po. Para po sa inyo." Inabot ko yung dala kong pizza na para sa Lola niya tsaka yung ingredients na rin nung corn soup.
"Ay.. salamat, hija. Pasok ka. Gusto mo ba ng tubig.. juice..?"
"Hindi na po.. hahanapin ko pa po yung apo niyo. Sige po.. alis na po ako. Salamat po."
"Salamat din ah. Ingat ka."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Amp. Ayos ding maysakit yun ah.. wala sa bahay niya para magpahinga. Pagala-gala pa yata. Eh sa laki kaya ng Pilipinas.. saan ako mag-uumpisang hanapin siya?! Isip. Isip.. saan ba siya karaniwang pumupunta?
Malay ko! Actually, di pa namin ganoon kakilala ang isa't isa eh.. Ni hindi ko din nga pala alam yung apelyido niya. Hay.. Jelo.. nasaan ka na ba? Magpakita ka na oh!
I dialled his number pero wala pa ring sumasagot. Mukhang matindi yata yung nagawa ko sa kanya kaya pinagtataguan niya na ako ngayon. Anong gagawin ko?
Hay.. kelangan ko pa nga palang takasan yung mga nakasunod na bodyguards sa akin.
1
2
3
TAKBO !!!!
BINABASA MO ANG
Broken Promises [completed]
Short StoryAll of a sudden, Gino was gone at di alam ni Trish kung bakit ito nawala at kung saan ito nagpunta. After one year, she met a guy na halos katulad ni Gino. Katulad in a way na kung anong nangyari sa kanila dati ni Gino, yun din yung ginagawa at nang...