Nung makita ko yung swing na yun.. nakaramdam ako ng saya. Siguro na-miss ko lang yung pagkabata ko kasi dati palagi kong kasama si daddy kapag maglalaro ako sa playground tapos siya yung taga-swing sa akin. Basta nakahawak siya dun sa chain tapos siya yung magpapagalaw ng swing. Kaso .. after niyang atakihin sa puso, wala nang nagdadala sa akin sa playground na yun. Di ko pa kasi kayang maalala yung mga nangyari dahil masakit pa rin na wala na talaga siya.
"Trish, gusto mong mag-swing?"
Tumingin ako sa kanya. Nakita ko nanaman yung napaka-charming na ngiti ni Gino. Dahil sa kanya, di na ulit ako umiiyak kapag pumupunta sa playground because he reminds me of my dad. Hinigpitan ko ang pagkapit sa kamay niya. Ngumiti ulit siya at hinatak niya ako papunta doon.
"Buti hindi ka natakot na baka maiyak ako dito. Alam mo naman siguro yung nakaraan ng swing na to."
"Nandito naman ako eh. Aalalayan kita sa abot ng makakaya ko. Nandito lang ako."
Umupo na ako sa swing tapos gaya ng ginagawa ni dad, hinawakan niya yung chains tapos unti-unting ginalaw yun. Napangiti ulit ako kasi feeling ko, sobrang safe ko kasi nasa likod ko lang siya na nakaalalay. Ang drama nu? Parang ikamamatay ko yung pagbagsak ko sa swing if ever pero I super duper find him sweet ^________^
"Gino.."
"Hmm?"
"Gusto ko mag-promise."
"Wag ka nang mag-promise kasi baka mahirapan ka. Tatakpan ko na lang yung tenga ko kung anuman yan. Basta wag ka mag-promise sa akin. Ayoko ng ganun."
"Takpan mo na yung tenga mo.. dali.."
Binitawan niya na yung chain ng swing and I guess, tinakpan niya nga yung tenga niya.
"Alam mo, Gino.. I will love you forever.. promise ko yon."
"Bakit mo namang ginawang promise yon?"
"Akala ko ba di mo pakikinggan yung promise ko. Hmm . Wala lang.. trip ko lang."
"Parang magmamahal ka pa ng iba ah."
"Oy... hindi ah. Ikaw lang.. ikaw lang .. si Gino.. walang iba."
"Baka ibang Gino yan."
"Silly.. syempre.. ikaw yun."
"Kapag nawala ako sa tabi mo.. "
"Shhh.. wag mong sabihin yan. Halika nga rito."
Hinatak ko yung kamay niya mula sa likod at dinala siya sa harapan ko.
Agad kong nabitawan yung kamay niya.
Paano nangyaring .. hindi pala si Gino yung kausap ko? Who's this guy anyway?
"Nasaan ka, Gino? Gino!!!! GINO!!!!"
Agad akong tumayo para hanapin siya. Inikot ko yung paningin ko sa buong paligid ko pero wala akong Gino na nakita. Agad tumulo yung mga luha ko. Di ko mapigilang maiyak dahil di ko kayang wala siya sa tabi ko. HINDI KO KAYA.
"Wala na siya."
Narinig kong sabi nung guy sa akin. Di ko siya nilapitan at tumakbo ako sa buong playground na yun para hanapin si Gino pero nabigo ako. He's gone.
Nakabalik na ako sa swing na yun. Wala na rin yung guy.
Napaluhod ako sa ground at umiyak.
Is he really gone?
______________________________________________________________________
Comment po kayo please.. kung tutuloy ko pa.
Salamat ^_____^
_____________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Broken Promises [completed]
Short StoryAll of a sudden, Gino was gone at di alam ni Trish kung bakit ito nawala at kung saan ito nagpunta. After one year, she met a guy na halos katulad ni Gino. Katulad in a way na kung anong nangyari sa kanila dati ni Gino, yun din yung ginagawa at nang...