Chapter 1

682 9 3
                                    

A/N: Join the FB group! Naglalabas ako ng mga spoiler dun :D

Chapter 1

-Alyziana-

“Baby, bawal kang lumabas.” Sabi ni Nanay. Nalungkot na naman ako doon. Bawal na naman akong lumabas. Lagi naman akong bawal lumabas, e!

“Bakit naman po?” Tanong ko habang pinaglalaruan ko ang ulap na nasa aking paanan.

“Baby, paulit-ulit na nating pinag-uusapan yan. Hindi ba? Bata pa kasi Blue kaya bawal kang lumabas.” Pagpaliwanag sa akin ni Nanay.

“Sumunod ka na lang sa kanya, Blue.” Sabi ni Kuya habang palabas ng kastilyo at iniliyad niya ang kanyang pakpak at saka lumipad palabas. Ang ganda ng pakpak ni Kuya talaga, sana ganyan din ang mga pakpak ko, kasing ganda at kasing lakas nito pero wala pa akong pakpak, e.

“Tama ang Kuya mo. Sumunod ka na lang sa akin at saka Blue wala ka pang pakpak kahit payagan kitang lumabas baka mapahamak ka lamang doon. Masyadong maraming masasama sa lupa at saktan ka nila. Manatili ka na lamang dito sa loob at baka magalit pa ang Panginoon kapag nalamang lumabas ka sa kastilyong ito. Alam naman natin na ayaw ka niyang lumabas sa kastilyong ito at mapahamak dahil kung may mangyari mang masama sa aming ikaw na lang ang magiging pag-asa niya. Higit sa lahat ikaw pa naman ang paborito noon.” Sabi ni Nanay at lumabas na rin tulad ni Kuya.

“Hindi na ko bata, e.” Sabi ko na lamang sa sarili ko. Wala naman ng makakarinig sa akin kung hindi ang Panginoon. Pumunta na lamang ako sa isang lugar kung saan lagi akong nandoon kapag lahat sila ay umalis dahil binigyan sila ng misyon ng Panginoon.

Ako nga pala si Alyz, iyon ang tawag nila sa akin. Hindi ko alam pero wala akong natatandaan noong tao pa ako. Ang alam ko lang hindi Alyz ang tunay kong pangalan parang mas mahaba pa roon. Yung kaninang kausap ko ay hindi ko tunay na Nanay at Kuya pero dahil sila ang kasabayan kong napunta rito kaya iyon ang tawag ko sa kanila. Bata at Baby ang tawag nila sa akin dahil sa ayaw ko man o sa gusto ay hindi pa ako nagkakaroon ng pakpak kaya yun ang tawag nila sa akin. Si Kuya nga halos ilang linggo pa lamang namamalagi rito ay nagkaroon na ng pakpak ganoon din si Nanay kaya lahat sila ay tawag ko ay Ate, Kuya. Si Panginoon lang ang iba-iba ang aking pagtawag dahil na rin sa kagustuhan niya, minsan gusto niyang tawagin ko siyang Kuya o kaya minsan ay gusto niyang tawagin ko siyang Ama pero madalas kong tawag sa kanya ay Panginoon dahil iyon naman ang tawag ng lahat sa kanya. Ilang taon na rin ako rito sa langit pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinutubuan ng pakpak na katulad nila kahit nga isang siniyales na magkakaroon na ako ng pakpak ay hindi mangyari, e.

Dahil nga hindi pa ako tinutubuan ng pakpak kaya hindi ako mabigyan-bigyan ng misyon ng Panginoon. Si Kuya, halos isang buwan pa lamang siya dito ay binigyan na siya ng Panginoon ng kanyang unang misyon at ganoon din si Nanay. Ang huling misyon nga niya ay ang pakikipag laban niya sa mga anghel ng impreyno. Balibalita na naging labanan raw ang lupa noon pero kahit gusto kong makita iyon ay hindi ako pinayagan ng Panginoon dahil maaari raw akong masaktan lalo na’t wala pa raw akong pakpak at kung matalo raw ang mga anghel ng langit ay ako na lamang ang huli niyang pag-asa para magpalaganap ng kabutihan pero sa tingin ko may nililihim sa akin ang Panginoon.

Nagtataka nga ako, e, dahil kung matalo sila Kuya ay ako raw ang magpapalaganap ng kabutihan sa mundo, kabutihan? Ako nga yata ang pinaka-makulit na anghel dito sa langit. Lagi ko kasing kinukulit sila Kuya, Ate at Nanay na kung pwede akong sumama sa kanilang bumaba, lagi akong nakasimangot na parang may kulang sa akin. Sa totoo lang parang may kulang nga sa akin. Hindi ko maintindihan pero lagi na lamang akong may naririnig na nakikipag-usap sa akin, boses ng babae minsan at tawag niya sa akin ay Ate. Hindi ko alam kung alaala iyon o gawa lamang ng aking imahenasyon.

Habang nandito ko ang sa lagi kong tinatambayan ay napaisip ko, ano kaya ang pakiramdam ng may pakpak? Paano kaya kung nakakalipad na ako? Ano kaya ang pakiramdam ng lumilipad, maganda ba sa pakiramdam o hindi? Magaan ba sa pakiramdam ang paglipad o nakakapagod ito? Ang daming tanong ang bumabalot sa aking pag-iisip. Kinapa ko ang aking likuran kung saan nakikita ko kung saan nakakabit ang pakpak nila Kuya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumutubo. Yung iba na sumunod sa akin dito sa langit ay mas nauna pa sa aking magkaroon ng pakpak. May problema ba ako? Ano kaya ang aking kasalanan noong tao pa ako para hindi ako tubuan ng pakpak?

“Anong problema natin, Blue?” Sabi ng Panginoon. Blue ang tawag niya sa akin dahil ito raw ang tawag sa akin ng magulang ko – magulang kong tao – noong bata pa raw ako. Hindi ko sinagot si Panginoon dahil alam ko namang kahit hindi ko sabihin ay nalalaman niya kaagad ito.

“Hindi ka ulit pinalabas.” Sabi Niya habang nakangiti.

“Hindi naman na po ako bata. Ama, gusto ko pong malaman kung ano po talaga ang nangyayari sa akin kung bakit hindi ako tubuan ng pakpak.” Sabi ko sa Kanya at alam kong hindi masamang magtanong sa kanya. Hindi ko naman kinukwestiyon ang ginagawa niya pero gusto ko lamang malaman ang nangyayari. Hindi naman nawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi.

“Sasabihin ko sa iyo.” Sabi Niya at napangiti naman ako.

“Talaga po?”

“Oo naman.” Sabi niya at umupo Siya sa aking tabi. “Walong taong gulang ka noon eksaktong pitong taon na ang nakakaraan simula ngayon ay naaksidente ka kasama ang pamilya mo. Nasa harapan ang iyong Ina at ang iyong Ama naman ay nagmamaneho sa tabi nito nang may mabilis na sasakyan na papunta sa inyong tagiliran. Ang iyong Ina ay nayakap ng kaunti sa iyong nakakabatang kapatid habang ang iyong Ama naman ay nayakap at na-protektahan ang iyong Ina. Ikaw naman ay pinrotektahan mo ang iyong nakakabatang kapatid. Ligtas kayong lahat pero ang nagmamaneho ng sasakyan na nakabunggo sa inyo ay namatay at siya ang Ate Samantha mo.” Sabi ng Panginoon. Si Ate Samantha ang nakabunggo sa amin? Teka, sabi ng Panginoon ay ligtas kaming lahat? As if, nalalaman niya kaagad ang aking tanong ay sinagot Niya ito. “Comatose ka, Blue. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang iyong kaluluwa doon sa katawan mo.”

“Panginoon, ibig po bang sabihin iyong naririnig kong nagsasalita palagi ay hindi alaala o kaya gawa ng aking imahenasyon?” Tanong ko at nangiti Siya.

“Lagi kang kinukwentuhan ng nakakabata mong kapatid. Ngayon, Blue dahil alam mo na ito kailangan mong makabalik sa iyong katawan ng ikaw mismo. Kailangan mo ng bumaba sa lupa upang makasama ang mga taong naghihintay sa iyo.”

“Bakit ngayon Niyo lang po ito sinabi sa akin?” Tanong ko.

“Blue, hindi lahat kailangan binibigay lamang sa iyo kailangan hilingin mo rin ito upang ibigay sa iyo.” Ngiting sabi ng Panginoon at hinawakan niya ang aking ulo. Unti-unti ko namang nararamdamang parang nawawalan ako ng malay.

Dumilat ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Tumindig ako at inikot ikot ko ang aking paningin. Isa itong daan ngunit walang katao-tao, nilibot ko ang aking paningin at unti-unti kong naalala ang lugar na ito. Natatandaan ko na nakasakay ako sa isang sasakyan habang nagpapatugtog ako ng isang kanta at may katabi akong batang babae na naglalaro ng isang manika. Habang naaalala ko ang pangyayari iyon at napaluha ako.

Ang lugar kung saan ako namulat ngayon ay ang lugar kung saan naaksidente kami ng pamilya ko, kung saan nagkabungguan ang sasakyan namin sa sasakyan ni Ate Sam.

--

A/N: I appreciate if you vote, follow me and comment on this chapter. 

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon