Epilogue

132 6 0
                                    

Epilogue

-Alyziana-

“Let us all welcome our debutant, Ms. Alyziana Blaze Smith together with her escort her boyfriend, Mr. Yumi Sumi Umirdad.” Sabi ng Emcee. Bumukas naman ang curtain na naghaharang sa amin ni Yumi. Nagsimula naman kaming maglakad ni Yumi papunta sa stage na kaharap namin upang doon ako paupuin. Iniwanan naman ako ni Yumi nang nakaupo na ako at umupo siya sa circle table kung saan nandoon si Kayezza, Kenneth, Luis, Luigi, Cristina, Czarina, Josef, Hugh, Jasmine, at Paul. May bakanteng isang upuan doon at ang sabi nila para daw yung sa pinaka-Kuya nila and I know who it is, si Ezequiel. Almost four months ng nakakaraan nung nahuli na rin si tito Andrew.

*Flashback*

 

Ayaw ni Daddy ang plano ni Yumi pero pinaliwanag ng mabuti ni Yumi kung bakit kailangan kami ang humarap kay tito Andrew.

“Tito, I’ll protect her.” Sabi ni Yumi.

“Yun nga ang problema, nung na-kidnapped kayo ni Rosa pinrotektan mo siya kay halos mamatay ka. Yumi kahit naman hindi pa ako handa sa sinabi mo sa akin almost three months ago, gusto kita para sa anak ko at ayokong umiyak itong anak ko habangbuhay dahil napahamak ka.” Siil ni Dad. Napangiti ako kasi I thought na ayaw ni Daddy si Yumi para sa akin pero hindi pala totoo.

“Tito Kelvin, that’s what we do. We are protecting our queen’s and right I am with her in that danger but I’ll guarantee you I will protect my queen and your princess.” Did he just call me his queen?

“Promise me one thing. You are the one giving back my princess.” Sabi ni Daddy. Pagkapayag ni Daddy ay kinuha kaagad namin si Ezequiel and we go where tito Andrew is staying. Pagkatok namin ay nakita kong sumilip siya. Takot ang una ekpresyon ng mukha niya pero pinagbuksan niya rin kami.

“Anong kailangan niyo?” Tanong niya.

“Gusto po namin kayong makausap.” Sabi ko. Yakap-yakap ko si Ezequiel habang lumapit ako palapit sa kanya. Tahimik lang si Yumi sa tabi ko pero alam kong nagmamasid siya.

“Sige pasok kayo.” Sabi niya at pinatuloy niya kami sa kanyang tahanan. Malinis ito ngunit may isang bagay akong napansin dahil nakasabit sa pader ang larawan nila ni tita Samantha nung kinasal sila.

“Tito, alam po namin na kayo ang nanggulo sa bahay nila Blaze noon. Gusto lang po namin malaman kung bakit? Wala naman pong nanakaw sa kanila pero bakit pumatay pa kayo at ang mga tauhan niyo ng mga kasambahay at guwardiya ng mga Smith.” Sabi ni Yumi. Hindi sumagot si tito at nakatingin lang siya sa urn ni Ezequiel na nayakap-yakap ko pa rin.

“Tito si Ezequiel ba ang hinahap mo sa Villa?” Tanong ko. As if on cue biglang tumulo ang luha ni tito Andrew and he cried like he is the only person now.

“Patawarin niyo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nung nalaman kong may sakit si Ezequiel ngayon doon ko lang nalaman na ginawang drug tester ang anak ko ni Sabrina tapos kinamuhian pa ako ni Sabina dahil sa ginawa ko sa Kuya niya na hindi ko alam at hindi ako nakinig sa kanila noon. When I confronted Sabrina nagalit siya at just like that she told me that she used me. Noong pinili ko si Sabrina kaysa kay Samantha alam kong mali pero pinilit isiniksik sa akin ni Sabrina na mahal yung nararamdaman ko sa kanya pero hindi niloko niya ako. Patawad nabaril kita, Alyziana. Patawad tinulungan kong maghiganti si Rosarita. Galit na galit ako sa mundo na pati kayong na tahimik namang nabubuhay ay ginulo ko. Lalo akong nagalit dahil hindi ako nakasama ang anak ko sa huling sandali nila.” Nila? Patay na rin si Sabina? “After namatay ni Ezequiel at nalaman kong nasa inyo ang anak ko, hinayaan ko kasi alam kong hindi naman ako karapat-dapat pero nung namatay si Sabina at pinagtabuyan ako ng lola niya na sarili kong ina sa burol ng anak ko doon ako nagkaroon ng determination na kunin si Ezequiel.” Humihibik na sabi niya. “Hindi ko alam kung paano ko nasaksak ang kapatid mo Alyziana pero ang alam ko lang bago kami sa inyo ay uminom ako ng alak, nagpakalasing ako.” Sabi niya at patuloy lang siya sa kanyang pag-iyak at paghingi ng sorry. Sabay pa kaming nagkatinginan ni Yumi, nilapag ko si Ezequiel sa lamesa at tinabihan si tito Andrew at niyakap siya. “Mahal na mahal ko si Samantha pati si Ezequiel at I did a biggest mistake and they are gone. Pati yung pangalawang pamilya ko nawala rin. Pati yung kinagisnan kong pamilya wala. Wala na akong pamilya.”

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon