Chapter 20

92 2 0
                                    

Last Chapter before Epilogue!

Chapter 20

-Alyziana-

I look at my little brother while sleeping in his bed. Bantay sarado nga kami ngayon. Hindi bababa sa tatlo ang bodyguards namin pero mas malala sa akin dahil tatlo na nga ang bodyguards na hinire ni Dad para sa akin pero nagdagdag pa si Yumi ng apat. Siya raw bahala sa pagbayad ng karagdagang bodyguards ko.

“Ate!” Biglang sigaw Jasmine – younger sister ni Kenneth.

“Let’s go to the mall.” Sabi niya pa while she grins.

“Wala ka bang pasok?” Tanong ko.

“Wala po. Gagamitin kasi ng mga tenth grade yung mga classrooms.” Wika niya. “Don’t worry po, babantayan naman siya ni Paul and nandito rin po sila Mommy at Daddy.” Dagdag pa niya.

“Please, Ate. Hindi ko kasi mayaya si Ate Kaye, she’s always with Kuya right now. It’s not like ayaw ko. Ang cute kaya nilang tignan.” Sabi ni Jasmine habang kinikilig pa.

“Gusto mong maging sila, no?” Tanong ko. Tumango naman siya at kinilig kilig.

“Pero Kuya always value friendship. Halata namang crush niya si Ate Kaye pero hindi niya sinasabi. Ay, kamusta na kayo ni Kuya Yumi?” Biglang tanong niya. Bigla akong napa-isip, hindi pa nagpupunta si Yumi dito sa bahay tulad ng nakagawian niya at tuwing pupunta ako sa West Valley Academy ay laging hindi siya mahagilap. Tumatawag at nagte-text naman siya pero laging sabi niya ay busy siya.

“Okay naman kami, medyo busy lang siya these couple of days.” Sabi ko.

“Kung sabagay, laging nasa gradeschool department yun.” Ha? Bakit nandoon siya?  “He’s proving something daw sabi ni Kuya.”

“Ano naman yun?” Tanong ko.

“Ayaw sabihin ni Kuya kasi raw masyado raw akong madaldal. Pinaglihi raw kami ni Mommy kay Ninang Sofie na madaldal raw.” Natawa naman ako. Magkaibang magkaiba nga talaga sila. Kenneth ay masyadong tahimik tulad ni Papa while them ay sobrang daldal pero not to the point na tulad nila Cristina at Czarina – yung anak na bunso nila Ninang Lester at Ninang Cryzel. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Papa na maliit ang mata.

“Jasmine Michelle, tawag ka ng Mommy mo sa baba at babatukan ka.” Sabi ni Papa. Nagtataka naman si Jasmine pero sumunod din ito. Lumapit sa akin si Papa at niyakap ako.

“Anong course ang kukunin mo sa college?” Tanong ni Papa. After naming magbatian.

“Di ko pa nga po alam.” Sabi ko. Totoo naman, hindi ko pa alam. Noon, gusto ko lang makapagtapos ng high school pero ngayon iba na.

“Ano bang pangarap mo?” Tanong ni Papa.

“I want to make my parents happy and be proud of me.” Sabi ko.

“Proud naman sila sa yo and I am also proud of you.” Sabi ni Papa.

“Papa, hindi ko talaga alam anong kukunin ko sa college.” Buntong hininga ko. “Sa totoo lang, I just want to finish high school before mag-college si Yumi para sabay kami pero hindi ko inisip kung ano ang kukunin ko sa college.” Matapat kong sabi kay Papa.

“Ganito na lang. Why don’t you take, Business Administration para ma-handle mo yung company ng Parents mo then kung may gusto ka ng gawin take a special course on that.” Sabi ni Papa. Napaisip akong bigla dahil pwede pala iyon kaya napangiti ako. Lumingon ako sa laptop ko na nakapatong sa bedside table ni Lukas at tanaw na tanaw ko ang online application ko sa Oxford.

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon