Chapter 6

127 3 0
                                    

A/N: Kindly Join the group! Click the external link to join

Chapter 6

-Alyziana-

First day ko ngayon sa pag-aaral ulit at puro mga napag-aralan ko na yung tinuturo sa akin. Ang sabi kailangan raw balikan yun para ma-refresh yung memory ko. E, halos perfect ko na nga yung mga exams na binibigay niya.

“Hi, Ma’am Rita!” Biglang may nagsalita sa may pintuan ng Room. Si Kayezza. Anong ginagawa niya rito, e, may class pa siya.

“Kaye, what are you doing here? Don’t you have a class, as I know it is your third long examination?” Tanong ni Ma’am Rita. Ako dapat ang magtatanong nun, e.

“Ma’am Rita, I am already exempted in the third long examination in Mathematics and in Science that is why I am here.” Sabi ni Kayezza habang pumasok sa loob at tumabi sa tabi ko.

“Is there something wrong to my sister’s exams?” Tanong ng kapatid ko. Parang siya ang mas Ate sa amin kung makapagsalita at English pa. Ay! Oo nga pala, dapat English ka makikipag-usap sa mga teachers kasi hindi marunong magtagalog sila. Foreigner kasi.

“Actually, your sister still remembers her lessons, seven years ago.” Proud na sabi ni Ma’am Rita.

“Good, so could we go now?” Tanong ni Kayezza.

“Actually, I am about to dismiss her.” Sabi ni Ma’am Rita at napatingin ako sa kanya.

“Really?” Tanong ko. E, baka kasi nagloloko lang ito for the sake of my little sister.

“Yes, Alyziana. You excel already our first week of lessons, so by tomorrow I could start the lesson I am suppose to teach you next week.” Ngiting sabi niya. “You may go.” Dagdag pa nito at itong kapatid kong tuwang-tuwang kinuha kaagad ang bag ko at hinatak ako palabas ng Room.

“Mabait naman pala si Ma’am Rita, e!” Sabi ni Kayezza ng nakalabas na kami sa Room.

 “Bakit?” Tanong ko.

“Kwento kasi ni Kuya Yumi na sobrang strict yan nung nasa tenth grade siya. Kaya nga sobrang natatakot na ako na mag-fifth grade. Hawak kasi niyan ay fifth hanggang tenth grade.” Pagkwento ni Kayezza.

“Baka hindi mo magiging teacher yan, e, teacher ko siya, o! Siya daw ang magiging private teacher hanggang umabot yung knowledge ko sa age ko.” Sabi ko naman sa kanya at nakita ko siyang lumiwanag ang mata niya.

“Talaga?” Tumango naman ako.

Natahimik naman kaming naglalakad ni Kayezza papasok sa loob ulit ng school. Hindi kasi sobrang strict ang school sa paglabas at pagpasok ng school dahil ang mga teacher ang bahala doon. Kung pumasok ka ng late, detention ka at kapag umalis ka ng maaga ay detention ka ulit.

“Kaye!” Biglang may sumigaw kaya sabay kaming lumingon ng kapatid ko at nakita naming tumatakbo si Kenneth.

“Thank God! You didn’t take the exam. Ang hirap!” Sabi ni Kenneth. Natawa naman ang kapatid ko.

“So Ate Alyziana, how’s the first day?” Tanong ni Kenneth. Ang hilig din pala nitong mag-english.

“Exam kaagad.”

“Exam kaagad? Sino ang private teacher mo?”

“Si Ma’am Rita.” Sabay na sagot namin ng kapatid ko.

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon