Chapter 16

71 4 0
                                    

Chapter 16

-Alyziana-

Bigat na bigat ang katawan ko ng paggising ko lalo na ang balikat ko. Lumingon ako sa kanan ko at nadatnan ko si Yumi na natutulog sa tabi ko. Siguro ay ayos na siya pero kita pa rin ang mga sugat niya pati ang braso niyang may supporter. Nalingon ko naman ang balikat ko at tulad ng kay Yumi may supporter din ito. Iniangat ko naman ang aking kamay and I trace his scar on the face using my fingertips. Kumilos ang ulo niya kaya tinanggal ko baka magising siya pero wala na, tuluyan ng nagising ang mga mata niyang mapupungay.

“Hey.” Sabi ko. Ngumiti naman siya at tinawag ang nurse sa intercommunication. Dumating naman ang mga nurse at doctor para tignan ako pero habang tinitignan ako ay tinitignan ko lamang si Yumi at ang mata niya ay halatang galing sa pag-iiyak.

“Si mommy?” Tanong ko kaagad pagkaalis ng mga tao sa loob.

“She’s fine and your little sibling also.” Sabi niya. Nakita naman niya sa mukha ko ang pagtataka. “She’s pregnant Blaze, eight weeks pregnant na ang Mommy mo.”

“Kaya pala nahihilo si Mommy.” Sabi ko. Tumango naman siya pero nakikita ko pa rin ang malungkot niyang mga mata.

“Yumi, may tinatago ka ba?” Tanong ko. Tumulo naman ang luha niya at may kinuha siyang isang lalagyan at ibinigay niya sa akin.

“Si Ezequiel.” Paliwanag lang niya at tumulo na ulit ang luha niya. Tinignan ko ang lalagyan then unti-unting tumulo ang luha ko then I remember this, this is part of his last wish. To be cremated and his urn will be in my belongings or in Yumi’s.

“Kelan pa?” Tanong ko habang garalgal na ang pagsasalita ko.

“Four days ago. Hindi na pinatagal ni Daddy yung burol kasi wala naman makikipaglibing sa kanya tayo-tayo lang at lahat tayo nasa ospital dahil ako kakalabas ko lang two days ago, Mommy mo hindi pa nagigising and then ikaw, ngayon lang nagising. I’m sorry, hindi na niya tayo hinintay para makapagpaalam man lang sa kanya.” Tumutulo na rin ang luha niya. He’s the only man I saw that cries, and I am proud that he is showing to me his soft side.

“It’s okay, as long as he’s with us.” Sabi ko. Pinahid niya ang luha niya at saka ang luha ko.

“Kaya mahal na mahal kita, kasi naiintindihan mo ang lahat.” Sabi ni Yumi and he stand up and went near me. For the first time, I felt his lips not on my lips but on my forehead. Kahit nagtataka ako at hindi niya ako hinalikan sa labi, I know that he knows that I am scared to be kiss in my lips.

-Yumi-

It’s a big hell! Bakit ko ginawa yun kay Blaze? I almost kiss her lips pero nung nakita ko ang mukha niyang malumanay ay bigla akong nakadama ng guilt. Guilt na baka hindi pa siya handa sa halik na ganoon kaya hinalikan ko na lang siya sa noo.

Nagpaalam muna akong lalabas para puntahan si Ninang Sofie and to my surprise ay gising na rin pala siya. Napalingon siya sa akin at ngumiti. Ninang Sofie never treat me differently or so I thougth.

“Ninang.” Sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin ng napakalapad.

“Yumi, could we talk?” Tito Kelvin asked. I nod. Lumabas kami ni Tito Kelvin sa kwarto ni Ninang Sofie and we went to the nearest coffee shop sa loob ng ospital.

“Tito, ano po ang gusto niyong pag-usapan?” Tanong ko.

“Hindi ako tutol sa pagmamahalan niyo nang anak ko and I know nasa magandang kamay ang panganay ko pero may hihilingin sana ako.” Kinabahan naman ako sa sinasabi niya. “Since Rosarita ay wala na and wala namang gustong maging private teacher, kaya napag-desisyunan namin ni Sofie na ipalagi siya kay Mama at Daddy sa America para makahabol siya ng mabuti pero don’t worry babalik naman siya.” Paliwanag ni tito.

 “Tito, I am not being rude here pero sabi niyo may hihilingin kayo pero napagdesisyunan niyo na.” Sabi ko. Ngumiti naman siya.

“Hihilingin kong mapapayag mo si Blaze na magstay sa Lola niya hanggang makapagtapos siya ng high school. Kung maaga siyang matapos edi maganda makakauwi dito siya kaagad kasama mo. Hindi ko pipigilan ang pagmamahal niyo pero ayokong madelay si Blaze dahil sa nangyari sa kanya noon. Marami akong pangarap para sa anak ko. Please, Yumi. Alam ko na pinalayo ka rin noon ng Mommy mo para makapag-aral ka sa London.”

“Kailan niyo po ba balak na paalisin si Blaze?” Tanong ko.

“Pagkagaling na pagkagaling niya.” Sabi niya at tumango ako para sabihing pumapayag ako sa condition niya. Tito Kelvin is right, this is Blaze future we are talking about and I don’t want her future will be ruin. In the States, homeschooling is much easier than in here.

Bumalik ako kay Blaze after ng pag-uusap namin ni Tito Kelvin at ang sabi niya alam na rin pala ito ni Blaze pero hindi ito pumapayag dahil sa akin. Pagkapasok ko ng kwarto ni Blaze nakita kong tulog ulit siya at nasa ulunan niya ang urn ni Kuya Ezequiel. Inalis ko iyo sa tabi niya at nilagay sa lamesa baka kasi mahulog pa ito sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko ay tulog pa rin si Blaze, well that’s normal kasi may gamot si Blaze na it makes her drowsy.

“Kuya.” Someone spoke behind me. Si YK.

“Bakit?” tanong ko habang nag-iinat.

“Uncle Jay and Aunt Pau came here.” Sabi ni YK.

“To visit Blaze?” I asked pero umiling siya.

“To visit you. Hindi ka na raw kasi nakakapagpahinga at nag-aalala na sila sa iyo dahil kakagaling mo pa lang.” Sabi niya.

“Sinusulit ko lang ang mga panahong nandito si Blaze.” Sabi ko. Nagtaka naman si YK pero hindi ko na siya sinagot.

 Kinagabihan ay sinabi ko na kay Blaze ang pakay ng magulang niya pero tumutol pa rin siya. Ayaw daw niyang magkalayo kami.

“Blaze para sa future mo ito.” Saad ko.

“Pero malalayo ako sa iyo.” Sabi niya.

“Physically yes, pero may cellphone naman at saka internet. Pwede tayong mag-Facebook, Twitter, Instagram, Skype, Viper, Kakaotalk, We Chat at kung anu-ano pa. Blaze, milya man ang layo natin sa isa’t isa pero yung puso natin iisa dahil mahal natin isa’t isa.” Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.

“Sige, pero bantayan mo ang kapatid ko baka mapano ‘yan. Alam mo naman si Kayezza takaw gulo.” Sabi niya at tumawa ako ng malakas.

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon