Chapter 5

97 3 0
                                    

A/N: More or less hanggang chapter 20 lang ito. Sorry :( Maiksi lang ang Last Wish Operation.

Chapter 5

-Alyziana-

Gising ang diwa ko pero hindi ko magawang maidilat ang aking mga mata. May naramdaman akong umupo sa tabi ko at nasalita siya. Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya pero ramdam kong hawak niya ang aking kamay. Pinakiramdaman ko ang mga nangyayari, tanda ko rin kung ano yung nangyari sa akin. Alam kong nasa ospital at alam ko rin ang nangyari sa akin kanina, o kahapon iyon? Hindi ko alam.

Unti-unti kong nararamdamang gumagaan ang aking pakiramdam at parang kaya ko ng idilat ang aking mga mata o igalaw ang aking mga daliri. Ang unang ginawa ko ay ang paggalaw ng aking mga daliri sa kanang kamay kung saan hinawakan nung nakaupo yung kamay ko.

“Mommy, Daddy! Si Ate, gumalaw yung kamay.” Sabi nung katabi ko. Boses ni Kayezza yun. Sa sobrang tuwa ko ay unti-unti kong idinilat ang aking mga mata upang makita siya. Pagdilat ko ay isang maliwanag na silid ang aking nakita kasunod ang mahigpit na yakap ng kapatid ko.

“Ate! My gosh! I miss you.” Sabi niya at bumulong siya. “I’m glad you are back to your body.” Sabi niya at napangiti ako. Lumingon ako sa may pintuan at nakita ko si Mommy na tulo ng tulo ang luha sa kanyang mga mata.

“Mommy.” Sabi ko at napatakbo siya at niyakap ako.

“Ang baby ko!” Sabi ni Mommy. Kasunod nito ay umalis sila sa pagkakayakap ng dumating ang doctor. Nakita kong yumakap si Mommy at Kayezza kay Daddy.

“Welcome back, Alyziana. Do you know where you are?” Tanong nung lalaking nakaputi. Mukhang Korean pa siya.

“Hospital.” Sabi ko at tumango siya.

“Alam mo kung anong nangyari sa iyo?” Sunod niyang tanong. Syempre naman alam ko!

“Nagpapatugtog ako sa ipod ko noon tapos biglang may nakita akong mabilis na sasakyan na papunta sa amin. Kasunod nun si Mommy pupunta dapat sa likod para protektahan kami pero niyakap siya Daddy kaya pinrotektahan ko si Kayezza.” Sabi ko at lumingon yung doctor kila Daddy.

“Yun yung nangyari, doc.” Sabi ni Daddy. Nakita ko namang ngumiti yung doctor at may kung anu-anong sinabi siya kay Daddy at Mommy. Iniwan naman nila Daddy si Kayezza dito sa akin ddahil lumabas sila sa loob ng kwarto.

“Ilang araw na simula nung?” Hindi ko na tinapos yung sinabi ko dahil alam kong naintindihan ni Kayezza yun.

“It’s been two days Ate. Akala nga ni Kuya Yumi hindi ka nakabalik kasi biglang pumasok yung isang nurse.” Sabi niya.

“Ano nga pala yung kinukwento mo sa akin? Blur kasi siya kanina.” Sabi ko. Natawa naman siya at kinuwento niya ulit sa akin yung kinuwento niya kanina.

After three day ay pinayagan na ako ng doctor na makauwi. Itong si Mommy naman hindi nakuntento at pinadaan niya muna sa isang mall at bibili raw siya ng mga gagamitin namin. Well, gagamitin ko pala. Ang daming binili ni Mommy. Mga damit, accessories at kung ano-ano pa. Ang sabi ni Kayezza ay hayaan ko na lang daw si Mommy dahil matagal na raw ni Mommy gustong ipamili ako ng ganito.

“Sofie, masyadong bata pa si Blaze para sa make-up!” sabi ni Daddy kay Mommy habang namimili ng mga make-up para raw sa akin. Tinignan lang ni Mommy si Daddy at si Daddy pinanliitan na lamang si Mommy ng mata. Nakakatuwa silang tignan.

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon