Chapter 15

62 3 0
                                    

A/N: Join our group! Aimstickmhee's stories

Chapter 15

-Alyziana-

It’s been hours since I left besides Yumi. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari, not for Yumi but for myself. Ito ang first time kong kabahan. Kahit kailan hindi pa ako kinakabahan, kaya nga iniisip ko kung tao ba ako o nagloloko lang ang tadhana pero ito kinakabahan ako ngayon at hindi ko magawang mag-celebrate kasi tao talaga ako.

Nag-d-drive si Papa papunta sa bahay ni Ezequiel. Ayaw nga sana ni Daddy na pasamahin si Mommy o kung sasama raw si Mommy ay dapat kasama siya pero tumanggi si Mommy dahil wala raw magiging kasama si Kayezza if sumama pa si Daddy. Habang nag-d-drive si Papa ay nakita ko si Mommy sa mukhang nahihilo.

“Mommy okay ka lang?” Tanong ko. Tumango naman si Mommy.

“Oo, nga Sofie. Kanina ka pa ganyan, ayos ka lang ba talaga?” Tanong ni Papa. Nahahalata na rin pala ni Papa.

“Ayos nga lang ako. Oh, nandito na pala tayo.” Sabi ni Mommy at lumabas na sa kotse pagkapatay na pagkapatay ni Papa ng sasakyan.

“Alam mo para ka talagang Mommy mo. Tignan mo, biglang umalis kapag may tinatagong lihim.” Sabi ni Papa. Napailing na lang ako at saka umalis, sumunod naman ako kila Papa at papasok na sana ako ng bahay ng makita kong sumenyas si Papa na huwag akong papasok. Dahan-dahan akong tumabi at nagtago pero hindi ko nagawa dahil may lalaking nagtutok sa akin ng kutsilyo at pinasok ako sa loob ng bahay.

“Ito pala ang magaling mong anak. Maganda siya, Princess.” Sabi nung lalaki. Nagtaka naman ako kung bakit siya tinawag na Princess.

“Andrew, wag ang anak ko.” Sabi ni Mommy. Nilingon ko sila Mommy at nakita kong nakaharang si Papa kay Mommy.

“F*ck it! Ako ang unang nanligaw sa iyo pero iyang si JM ang sinagot mo! Siya ang nakasama mo. Eighteen years, Princess akong naghintay sa iyo!” Sigaw nung lalaki na nagngangalang Andrew.

“Andrew, huwag mong idamay si Blaze dito. Kung dahil sa akin kaya hindi naging kayo ni Sofie, ako na nalang wag mong idamay ang mag-ina.” Sabi ni Papa.

“Oo, papatayin kita pero papatayin ko rin sila!” Sabi nung Andrew.

“Andrew, please! Huwag ang anak ko.” Sabi ni Mommy. Hindi ako makapagsalita pero sa totoo lang nararamdaman kong unti-unting tumutusok ang kutsilyo sa leeg ko nang hindi ko na ito makaya ay nagsalita na ako.

“Mommy.” Sabi ko habang tumutulo ang luha ko. Napaluhod naman si Mommy at may luha na sa mga mata niya.

“Andrew, please. Huwag ang anak ko. Hindi mo alam kung ilang beses kong pinagtabuyan din si Jaylord noon bago naging kami. Kaya please wag mong idamay ang anak ko tatay ka na rin naman.” Sabi ni Mommy.

“Iyon pa! Dahil rin sa kanya kaya ang anak ko mamamatay na at ayaw magpagaling!” Sabi nung Andrew. Natahimik naman ako, anong kinalaman ko sa anak niya?

“Ginusto ni Ezequiel na hindi magpagaling hindi dahil sa inaanak ko kung hindi para makasama na niya ang Mommy niya. Andrew, stop being a dumbass and think like what you did. Dahil sa ginawa mo dinamay mo pa ang anak ng pinakamatalik mong kaibigan. Dinamay mo pa si Yumi.” Ito yung daddy ni Zeke. “In the first place, you are the one who asked Katsumi to make Rosarita love him and broke her heart. Remember, dare mo yun kay Katsumi and Katsumi being the notorious heartbreaker ginawa niya. At saka nanligaw ka kay Sofie pero may nangyari sa inyo ni Samantha kaya mo nga nabuntis ito at lumabas si Ezequiel.” Galit na sabi ni Papa habang tinatayo niya si Mommy.

“Alam mo bang hanggang ngayon may guilt pa rin si Katsumi dahil sa pinagawa mo sa kanya? He did that to Rosarita para sa pagkakaibigan niyo pero na-gi-guilty siya sa ginawa niya pero ikaw pa mismo ang tumulong kay Rosarita para maghiganti kay Katsumi.” Sabi ni Papa. Hindi ko alam pero napansin kong ipuputok na ang baril kay Mommy kaya dali-dali akong tumakbo at hinarang ko ang sarili ko kay Mommy. Wala akong narinig na putok ng baril pero may naramdaman akong masakit sa balikat ko pero bago ako magdilim ang paningin ko nakita ko si Mommy na mukhang nasaktan din.

-Yumi-

Ayos na ako ngayon at kailangan na lang magpahinga. It’s been what, eight hours since nandito si Blaze at sa totoo lang hinahanap-hanap ko na siya. Ang sabi nila Mommy ay pupuntahan lang daw ni Blaze si Kuya Ezequiel dahil agaw buhay na ito, hindi ko naman pinagkakait si Blaze. She deserves to go there. Napalingon ako ng bumukas ng pintuan ng kwarto at niluwa si Kuya Ezequiel.

“Ezequiel! Anong ginagawa mo dito?” Nagmamadaling sabi ni Daddy. Habang si Mommy ay natutulog, sila YK at KY ay kasama sila: Kenneth, Jasmine at Paul kila Kayezza at doon raw muna sa Villa. Kitang kita mo ang paninilaw ni Kuya Ezequiel.

“Ninong sorry.” Sabi ni Kuya Ezequiel. Lumingon naman siya sa akin. “Sorry, Yumi.” Sa salita niyang iyon ay bigla akong kinabahan.

“Zeke, anong nangyari?” Tanong ni Mommy. Nagising na pala siya.

“Nabaril si Alyz ni Papa tumagos kay tita Sofie yung bala.” Paliwanag niya at napatindig ako ng wala sa oras.

“Ano? Nasaan sila?” Tanong ko. Habang lumapit naman si Mommy para pakalmahin ako.

“Nasa operating room si tita Sofie at si Alyz.” Sabi niya na nakaluhod.

“Alam na ba nila Kelvin?” Mahinahong tanong ni Daddy. Tumango si Kuya Ezequiel. That is one thing I love about my father, mahinahon pa rin siya kahit may nagwawala na sa harapan niya pero sabi ni Mommy hindi raw ganyan si Daddy. I guess, he matured.

“Matulog ka na Ezequiel, kami na ang bahala. Pupuntahan namin sila.” Sabi ni Mommy.

“Mom, I want to come with you.” Saad ko.

“Okay we will tell the nurse.” Sabi ni Mommy.

Pinayagan akong pumunta sa may operating at kasama namin ngayon sila tito Kelvin. Si Kayezza nakayakap kay Kenneth habang pinapakalma ni Kenneth ang kapatid ni Blaze. Mag-iisang oras na raw na nandoon sila at mga isang oras ata na rin daw ang nakalipas simula ng sinugod ni tito sila.

“Bakit ang tagal.” Sabi ni tito Kelvin.

“Lalabas din sila, Vin.” Sabi ni tita Pauleen. Kahit ako naiinip na ring nakaupo dito sa wheelchair. Biglang lumabas ang doctor.

“Alex, kamusta ang mag-ina ko?” Tanong kaagad ni tito Kelvin sa paglabas ng pintuan. Kilala pala ito ni tito Kelvin.

“Kelvin, chillax pare. Tatlo silang ligtas.” Nakangiting sabi nung doctor.

“Tatlo?” Nagtatakang tanong ni tito Kelvin.

“Yes, maraming nawalang dugo si Princess dahil nabaril na siya at as well as dinugo siya. She’s pregnant Kelvin.” Ngiting sabi nito. “As for your princess, she’s fine pero kailangan ng maiingat na pag-aalaga ngayon sa kanya dahil tumagos yung bala kay tinamaan si Princess.” Tapik nung doctor kay tito at saka umalis.

“Buntis si Sofie.” Mahinang sabi ni tito Kelvin na parang hindi siya makapaniwala. Lumapit naman si tito Jaylord sa kanya at tinapik siya.

“Congrats.” Sabi ni tito Jaylord at may lumapit na nurse sa amin upang sabihin na nailipat na ng kwarto sila Blaze. Nagsabi ako kay Mommy if I could visit her but they refuse because they want me to rest, when we go to my room we saw Kuya Ezequiel sleeping in the couch, nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. Malamig ang kamay niya, nagstart na akong kabahan at sinabi kila Mommy. The nurses went immediately and they drag him to the emergency room. After a few minutes they went back to my room to tell us that Kuya Ezuquiel is dead. 

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon