Chapter 3
-Alyziana-
Pinapasok ako ni Ezequiel sa bahay niya. Bagong bahay niya ito na malapit daw sa eskwelahang pinapasukan niya. Third year high school na siya at kung hindi raw ako naging si Dora ay baka raw ay nasa First year high school na ako.
“Teka, paano natin malalaman kung nasaan yung katawan ko?” Tanong ko sa kanya habang pinapanood siyang kumain ng choco flakes.
“Alyz, sa West Valley Academy ako nag-aaral. President ang Mommy mo doon at lagi niya akong binibisita pero hindi ko lang kasi laging natatanong kung saang ospital ka nakaratay.” Sabi niya.
“E, for sure naman na busy si Mommy kapag ganun.” Paliwanag ko.
“Edi sa kapatid mo ako magtatanong o kaya naman kay Yumi.” Paliwanag niya.
“Yumi? Si Yumi Umirdad?” Tanong ko.
“Oo, dito na siya nag-aaral simula nung fourth grade ata siya nun. Hindi ko na tanda kung kailan basta matagal na rin.” Napatango naman ako.
Iniwan ako ni Ezequiel sa bahay niya dahil mayroon daw siyang kailangang puntahan at involve daw ang kanyang pag-aaral. Hindi naman ako tumutol dahil kung sabagay ay para rin ito sa ikakabuti ng buhay ni Ezequiel. Nilibot ko ang paligid ng bahay niya. Hindi ito tulad nung bahay niya sa may Rain Ville. Maliit lamang ito kumpara sa dati pang isang maliit na pamilya lamang ang kasya dito. Pumasok ako sa isang kwarto at nakita ko ang iba’t ibang litrato ang nakasabit, nakapatong at nakadikit sa kung saan-saang lugar. Nagmukha itong isang art gallery. Pinasok ko ang kwarto at nakita ko ang iba’t ibang litrato ni tita Samantha. Puro litrato ito niya, pero sa di ka layuan ay isang litrato ang napukaw ng aking mata. Litrato ko ito noong bata pa ako, litrato kung saan suot-suot ko ang damit na pinagawa ni Mommy para sa kasal niya. Ito yung unang litrato na kinunan ni Ezequiel bago kami pumunta sa simbahan.
“Ezequiel?” May tinig akong narinig mula sa ibaba ng bahay ni Ezequiel. Nagmadali akong nagtago at tinignan kung sino ang taong ito. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatabingan ng dahon kung saan ako nagtatago pero alam kong isa itong lalaki.
“He’s not here again.” Sabi ng isang lalaki din pero mukhang mas bata ito kaysa sa isa.
“Baka busy na naman siya. Ilagay mo na lang doon.” Sabi nung lalaking unang tumawag. Tinuro niya yung lugar na kaharap ko. Patay! Baka makita ako. Lumapit ng dahan-dahan yung batang lalaki at ipinatong sa lamesa yung isang lalagyan na mukhang naglalaman ng isang pagkain at natanaw ko ang itsura nung batang lalaki. Paalis na yung lalaki ng napansin niyang nandoon ako. Mabilis akong nagtago upang isipin niyang guni-guni lamang niya iyon.
“Ate Alyziana?” Tanong niya pero natanaw kong umiling siya. “You’re getting delusional again, Ken.” Sabi nung batang lalaki at tuluyan ng umalis. Habang nakatago pa rin ako sa pinagtataguan ko ay narinig ko naman ang pag-uusap nila nung kasama niya.
“Do you think he is not getting mad?” Tanong nung batang lalaki.
“Hindi naman siguro, Ken. Birthday ni Mommy at ng Daddy mo kaya hindi yun magagalit baka nga pumunta pa yun doon.” Sabi nung lalaki.
“You know that ever since Ate Alyziana’s comatose, he doesn’t come with us anymore, Kuya Yumi.” Sabi nung batang lalaki habang palabas sila ng bahay. Did he just call him Yumi? Nagmadali akong tumakbo palabas ng bahay pero paglabas ko ng bahay ay nakapasok na sila sa loob ng isang kotse at tuluyan ng umalis ang sasakyan. Nalungkot naman ako dahil hindi ko man lang nakita ang mukha ni Yumi.
BINABASA MO ANG
Last Wish Operation
Tiểu Thuyết ChungOperation Series # 2 Every person has a mission to this world and every person has the capability to give their last wish to the people they will leave if they left to this world. What if, you know all along that you are already an Angel and the on...