Chapter 4

100 3 0
                                    

A/N: Sali kayo sa group! 

Chapter 4

-Alyziana-

Gusto ko mang magtago pero wala na nakita na ako ni Kenneth at nagmamadali siyang pumunta sa lugar ko.

“Ate Alyziana?” Nagtatakang tanong niya. Tinakpan kaagad ni Ezequiel ang kamay niya at sinenyasan akong magtago.

“Hi, tito JM.” Bati bigla ni Ezequiel.

“Oh, may kailangan ba sa iyo si Kenneth at pinuntahan ka niya?” Tanong bigla ni Papa.

“I just saw that he’s with –” Hindi natapos ni Kenneth yung sasabihin niya dahil tinakpan ulit ni Ezequiel yung bibig niya.

“Magpapaturo po sigurong manligaw.” Sabi ni Ezequiel bigla at nakita kong napailing si Papa.

“Ganun ba? O sige, mukhang mas komportable kang humingi ng payo kay Yumi at Ezequiel kaysa sa akin kaya aalis na ako. Remember, nasa Orion University lang ako, if you need me call me.” Sabi ni Papa at tumango naman si Kenneth habang yung nasa bibig pa rin niya yung kamay ni Ezequiel.

“Damn you, Kuya Ezequiel! Why did you do that?” Galit na tanong ni Kenneth pagka-alis na pagka-alis ng kotse ni Papa at umalis ako sa pagkakatago.

“Hindi pwedeng makita o malaman ng Papa na nandito si Alyz.” Sabi bigla ni Ezequiel.

“Why? But, wait! I just saw you yesterday at the hospital!” Sabit sa akin ni Kenneth habang ang laki ng mata. Aaminin kong kamukhang kamukha siya ni Papa.

“Mahirap i-explain.” Sabi ko.

“Okay, I want to hear your explanation and also your sister. Kaye is mad because until now you are not awake!” Napabuntong hininga ako.

“Nasaan siya?” Tanong ko.

“She’s about to come in any minute. Meet us at the Library. You know where is that Kuya Ezequiel, right?”

Hindi na nakapasok si Ezequiel sa class niya at na-gi-guilty naman ako pero para sa kanya ay ayos lang daw. Minsan lang naman daw siyang umabsent kaya hindi raw kawalan sa kanya yun.

“Zeke.” Pagmamaktol ko.

Isa pang sorry mo Alyz mababatukan na kita.” Sabi niya sa akin. Pinatong ko na lang ang ulo ko sa dalawa kong braso na nakalaratay sa lamesa. Nandito na kami sa Library akala ko nga yung sinasabi ni Kenneth na Library ay yung school library pala yung Library na sinasabi niya ay yung dating bahal ni Ezequiel na binenta ni Ezequiel kay Mommy para magkaroon ng pera at tinawag nila itong Library dahil halos lahat ng mga libro ni Kayezza ay nandito. Para nga na siyang library. Isang oras o mahigit na kami dito ni Ezequiel pero wala pa rin si Kenneth pero biglang may pumasok sa pintuan at maingay na batang babae ang nangingibabaw.

“Sasapakin talaga kita Ken kapag hindi maganda itong ibabalita mo sa akin. Montikan na talaga akong matanggalan ng tenga ni Mommy dahil sa hindi ko pagpasok pasok na.”

“Will you just shut up? The people inside are the one who will explain to us, okay? Even I, I don’t know what’s happening but it must be so important.” Sabi ni Kenneth. Nagmadali naman ako para salubungin sila.

“Siguraduhin mo lang na hindi tayo ma…pa…pa –” Hindi natapos ni Kayezza yung sasabihin niya kasi nakita na niya ako sa may pintuan. Ang ganda ng kapatid ko, bumagay sa kanya ang pagiging payat at kitang kita na kamukha niya si Mommy kasi ako kamukha ako ni Daddy, e.

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon