Chapter 11

94 4 0
                                    

Want to win a prize from me? Click the external link for more details.

And thank you to XIANBLUE for making the cover of Last Wish Operation!

Chapter 11

One year later

-Alyziana-

Naglalakad ako ngayon sa loob ng Villa with my pink five inches stiletto pumps! Ang hirap kapag si Mommy ang nagtuturo talaga sa akin. Mas gugustuhin ko pang mag-aral ng pang grade five kong lesson kaysa ito!

“Dahan-dahan lang Blaze para mabalanse mo ang sahig.” Sabi ni Ninang Pauleen. Yes, you heard it right! Kasama si Ninang Pauleen sa pagtuturo sa akin ni Mommy at hindi lang yun nandito rin si Papa. Nag-connive pa silang tatlo!

“Ninang naman sobrang taas naman kasi nito.” Anunsyo ko. Habang dahan-dahang naglalakad.

“Wala pa yan sa taas ng heels ng Mommy mo tuwing magkasama kami.” Sabi ni Papa habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso.

“Tama pero naman ang taas mo naman kasi kaya ang taas din ng heels ko!” Komento ni Mommy. They are actually teaching me to walk with these heels! May party daw kasi ang mga Williams’ at ipapakilala nila ang mga second generation of Williams’.

“Pwede bang wag na lang akong sumama?” Ang hirap naman kasi, e!

“Tapos iiwanan mo akong walang partner?” Biglang singit ni Yumi. Kasama kasi siya sa ipapakilala. Kasi ang company ni Ninang Yannie ay Williams-Venafrancia kaya nakakabit doon ang Williams at dahil kahit naman Venafrancia ang dalang pangalan ni Ninang Yannie, she is still a Williams kaya ipapakilala rin sila Yumi.

“Ang hirap kayang maglakad at lalong ang hirap magsayaw sa ganitong kataas na heels!” Aniya ko. Natawa naman si Yumi at binulungan si Papa.

“Pauleen, Sofie pwedeng pasok muna tayo sa loob at hayaan muna natin ang mga bata?” Sabi ni Papa. Tinignan naman nila Mommy si Papa ng makahulugan. “Sofie, sa loob lang tayo at hindi ko sinabing iwanan sila dito sa Villa.” Dugtong ni Papa kaya walang nagawa si Mommy kaya tumango siya. Pagkaalis nila ay pumunta si Yumi sa akin at saka niya ako titinitigan. Yung mata niya, ibang iba na! Kahit alam kong mahal niya ako ay hindi ko magawang lubayan siya. For more than one year ay pinakita sa akin ni Yumi kung gaano niya ako kamahal at hindi na ako makalayo. Parang may force-filled siya na naghahatak sa akin palapit sa kanya at ang amoy niya! Lalong bumabango pero alam kong hindi dahil iyon sa pabango niya.

“Do you know why pinaalis ko sila?” Tanong ni Yumi. Siya ang nagpaalis? That explains.

“Hindi.” Mariin kong sabi. Ngumisi naman siya. Yung ngisi niyang iyon ay lalong nawawala ang singkit niyang mga mata. Inalalayan niya ako paupo sa isang monoblock dito sa garden and tinanggal niya ang sapatos ko parehas. Para akong si Cinderella pero magkaiba lang ang process.

“You are walking around for almost three hours and you didn’t even complain to them that you need to rest. Sometimes tita Pauleen is cruel because that’s how she’s been trained by her trainer. That’s why she became successful as an entrepreneur.” He explained. He knelt down and he sits on his heels and start massaging may right foot.

“Uy! Ano bang ginagawa mo?” Mariing kong tanong. Tatanggalin ko na sana ang aking paa pero pinigilan niya ako.  

“Stop! You need this, then after that you could try walking again.” Sabi niya sa akin. Wala akong nagawa kung hindi titigan lamang siya sa ginagawa niya. Parang sanay na sanay na siya sa ginagawa niya.

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon