Chapter 2

175 7 0
                                    

A/N: Join my FB Group! Aimstickmhee's Stories :)

Chapter 2

-Alyziana-

Umalis ako sa daan na iyon dahil baka may taong makakita sa akin at mapagalitan pa akong harang-harang sa daanan. Ginawa ko na lamang ay nalakad-lakad sa paligid at habang naglalakad ako ay unti-unti kong naaalala ang buong pagkatao ko. Unti-unti kong nararamdamang nabubuo ako.

Sa aking paglalakad may nakita akong isang lalaki, mukhang nasa labing-pitong taon na siya o mas bata pa siya. Naka-upo siya sa kanyang mga binti at tiniginan niya ang daan na saan nagkokonekta sa lugar kung saan ako namulat. Hindi ko alam pero parang may kung anong lakas ang humahatak sa akin papunta sa binatang ito.

“Seven years na ‘Ma pero bakit hindi ko pa rin matanggap na wala ka na, sa isang pagkakamaling nagawa ay nasaktan ka at inilayo ka niya sa akin.” Sabi nito habang nakatitig sa kawalan. Tinitigan ko lamang siya ng napansin niya ako ay tinignan niya ako na may pagkagulat sa kanyang mga mata pero nawala rin ito kaagad.

“Sorry, napadaan lang ako pero nakita kitang nakaupo kaya hindi na muna ako dumaan.” Pagpapaliwanag ko. Nangiti naman siya sa akin, tumayo siya at lumapit sa akin.

“It’s okay. I am just visiting the place where my Mom died.” Paliwanag niya na may ngiti sa kanyang mga labi. Ang sabi niya binibisita niya ang lugar kung saan namatay ang nanay niya, ang ibig sabihin lang nito ay siya yung anak ni Ate Samantha.

“Sorry to hear that.” Sabi ko.

“What’s your name, by the way?” Tanong niya sa akin habang sabay kaming naglalakad.

“Alyzi – a, Alyz. Alyz ang pangalan ko.” Sabi ko. Kailangan alam niya lang na Alyz ang pangalan ko at hindi Alyziana.

“Come on, sabihin mo na kung ano tunay na pangalan mo.” Pagpapangumbinsi niya sa akin. Ano ba naman kasi, e! Bakit ba nadulas kasi ako?

“Well, maniniwala ka ba kung sasabihin kong nanggaling ako sa langit?” Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “See? You don’t believe me kaya hanggang Alyz na lang ang alamin mong pangalan ko.” Sabi ko sa kanya habang nagpapatuloy sa paglalakad.

“Well I believe that angels are coming down to heaven to save the good people. So you are an angel?” Paliwanag niya kasunod ang pagtanong niya. Napangiti naman ako doon.

“Well, hindi ako anghel. Akala ko noon anghel ako pero hindi pala.” Pagpapaliwanag ko.

“Wait! Ang gulo. Akala mo anghel ka pero hindi ka pala anghel? E, ano ka?” Tanong niya.

“Kaluluwa ako na napunta sa langit pero hindi pa dapat ako patay parang napadpad ako doon.”

“May pagka-Dora the explorer ka pala, e.” Sabi niya. Natawa naman ako, di ba si Dora the explorer ay isang kids television show? Mahilig pala ito sa kids shows.

“Fine, may pagka-Dora ako at kailangan kong makabalik sa katawan ko. Pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang katawan ko.” Sabi ko sa kanya.

“Madali sana kung parang Magic Temple lang na alam mo kung saan nakalagay yung katawan mo pero hindi, e.” Sabi naman niya.

“Ang hilig mo sa movies, no?” Tanong ko.

“Hobby ko at ng best friend ko pero seven years ko na rin siyang hindi nakikita, e.” Malungkot niyang pahayag. Bigla naman akong nakaisip ng paraan.

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon