Chapter 7

100 3 0
                                    

Chapter 7

-Alyziana-

Hinatid ako ni Papa papuntang Villa, habang papunta kaming Villa ay tahimik lang ako. Too consume ang utak ko sa mga sinabi Ezequiel sa akin.

“Alyziana, nandito na tayo.” Sabi ni Papa.

“Thank you Papa, sa paghatid mo sa akin dito.” Sabi ko at palabas na sana ng kotse ng pigilan ako ni Papa.

“Nag-away ba kayo ni Ezequiel?” Tanong ni Papa.

“Bakit ganyan ang mukha mo? Buong hapon nasa bahay mo lang naman ikaw na kasama mo si Ezequiel.”

“May nalaman lang po ako kay Ezequiel kaya po ako malungkot.” Sabi ko.

“Care to tell me?”

“Pwede po bang bukas ko po sabihin sa inyo pero dapat kasama si Ninong Katsumi at Ninong Seth? Isasama ko na rin po sila Mommy at Daddy.” Paliwanag ko at tumango naman si Papa.

Kinabukasan ay nangyari nga ang inaasahan ko. Nandoon si Papa kasama sila Ninang at sila Kenneth, si Ninong Seth kasama si Josef, si Ninong Katsumi kasama sila Ninang Yannie at Yumi together with two twin boys that probably kapatid ni Yumi. Nandito sila sa Villa dahil dito ko na lang pinapunta sila.

“Okay Blue, ano ba yung gusto mong sabihin sa amin kung bakit pinapunta mo sila dito?” Tanong ni Daddy sa akin. Hindi pumasok si Daddy or should I say hindi talaga pumapasok si Daddy kapag Saturday at Sunday, family day daw kasi yun. Kinuwento ko naman sa kanila yung kinuwento sa akin ni Ezequiel at throughout ng pagkwento ko, si Yumi at si Kenneth lang ang hindi nagulat.

“Kaya pala nakita ko siya sa ospital nung nagkasakit yung kambal.” Sabi ni Yumi. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

“Nakita ko siya noon na palabas ng ospital at sinabi ko yun kay Dad at ang sabi lang ni Dad ay baka raw gutom lang ako pero kinabukasan nakita ko siya ulit. Sinundan ko siya at pumunta siya sa Internal Doctor. Exactly, si tita Ayi yung doctor na tumitingin kay Kuya Ezequiel at tinanong ko. Ang sabi ni tita may malubhang sakit si Kuya Ezequiel pero hindi niya sinabi sa akin kasi she values the privacy of the patient. Hindi ko matanong si Kuya Ezequiel kasi mahahalata niya na may alam ako.” Paliwanag ni Yumi.

“Yeah, I saw him too.” Sabi ni Kenneth. “I saw him in the clinic the other day because I got a stomachache. The Nurse said they should call the doctor but Kuya Ezequiel refused. He said he just needed a pain reliever. I asked him what’s the problem and he just said that he also had a stomachache but I know it’s deeper than that because the Nurse will never call a doctor if it is not something serious.”

Last Wish OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon