Chapter 12

3.9K 94 0
                                    

"Ice Cream" Sabay lahad nito sa akin ng isang cone na Strawberry flavor na ice cream tinignan ko naman ito.

"Don't worry. Malinis ang kamay ko. Kaya hindi ka mabubuntis" ngisi nito sa akin. Inirapan ko naman ito at tinanggap.

"Salamat"

"Marunong ka palang magpasalamat?" tanong nito sa akin hindi na ako nagsalita para less away sa aming dalawa.

"Sino iyon? Tanong nito ako naman ay naguguluhan sa tanong nito. "Boyfriend mo?" tanong ulit nito sa 'kin.

"Hindi" sabi ko.

"Kung hindi mo Boyfriend bat ka tumatakbo kanina? Siguro may utang ka doon sa lalaki ano?" tanong nito sa akin.

"Hindi ko siya boyfriend at mas lalong wala akong utang sa lalaking nakita mo kanina. Pwede ba wag ka na ngalang magtanong. Ikain mo nalang iyan nang ice cream" hindi naman sa ayaw ki itong magtanong sa akin. Iniiwasan ko lang talagang pag-usapan ang nangyari kanina dahil hindi ko naman kilala ang lalaking ito.

"Kerbe nga pala. 27 years old, half korean-Brazilian and half Pinoy." Sabay lahad nang kamay nito sa kanya na agad din naman niyang tinanggap.

"Tamarra"

"Yun lang?" ngising tanong nito sa akin

"Ano naman ang gusto mong sabihin ko. 34-28-38, 5'5." nakita ko naman na tumawa ito nang pagkalakas-lakas.

"hindi ko naman tinatanong kung ano ang size nang katawan mo. Ang sabi ko yun lang. Wala man lang kiss" Sabay nguso nito sa akin. Kaya kinuha ko ang kamay nito na may hawak-hawak na Chocolate ice cream at itinapat ito sa nguso ni Kerbe.

"Ayan na ang kiss mo. Puro ka biro"

"Minsan kailangan mong magbiro para makalimutan mo ang problema mo." Napatingin naman ako dito. Dahil biglang sumeryuso ang mukha nito na kanina sobrang saya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko dito.

"Actually. Im not." sabay ngiti nitong mapait sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako. Sabay kain ng ice-cream kung nagsisimula nang matunaw. Actually gusto ko siya tanongin pero baka ayaw nitong mag-kwento. Gusto ko rin na may maka-usap para mawala sa isipan niya si Mario. Nakakatress pa na andito ito sa Japan at hinahanap siya.

"May tanong ako sayo." Napalingon ako sa kasama ko na nakatingin sa akin ng seryuso.

"Ano naman ang itatanong mo sa akin,? Napataas naman ako ng kilay bago ulit nagsalit. "Sigaraduhin mo lang na hindi tungkol sa kanina ang itatanong mo kasi hindi na talaga kita kakausapin."

"Hindi. Hindi tungkol doon ang itatanong ko sayo." ngiti nito sa akin.

"So ano ang itatanong mo baka matulungan kita.?" tanong ko dito na kumain ulit nang Ice cream.

"Paano kung isang araw malaman mo nalang na ang nagugustuhan mong tao ay may anak na pala dati sa ibang tao. Ano ang gagawin mo?"

Napa-ubo naman ako nang mapagtanto ko ang tanong nito sa akin. Sinasadya ba ako nitong paringgan. Baka naman hindi nagtatanong lang naman ito sa kanya. Pero ano ang isasagot ko sasabihin ko rin ba na sumakay ka nang taxi. Magpahatid sa kompanya kung saan ka nagtratrabaho at gumawa ng resignation letter. Pumunta nang Japan. Napatingin na rin ako dito.

"Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong mo. Siguro madali lang naman sabihin na makipaghiwalay ka sa kanya alam naman natin hindi talaga lalo nat nagugustuhan mo na pala ang isang tao.  Siguro kung gusto mo at kung mahal mo siguro kaya mong panindigan. Pero kung hindi, pwede kang umayaw. Basta ka usapin mo lang nang maayos. Yung hindi mo siya masasaktan. Dito. " Sabay turo ko sa aking puso at napatingin naman ako sa malayo.

"Parang ang lalim non. Pero sige maraming salamat na rin sa sagot mo. Parang alam ko na ang gagawin ko" Ngiti nito sa akin. Ako naman napapakunot ang noo sa sinabi nito.

"Don't tell me na problema mo iyon." Turo ko dito nakita ko naman na tumango ito sa akin na may ngiti sa labi.

"Hulaan ko same tayo nang problema. Kasi relate na relate ka. Do you love him?" Tanong nito sa akin.

"No"

"Really? Then bat ka tumatakbo sa lalaki kanina. Siguro yung lalaki ang may anak no? Tinakasan mo lang di ka man lang nagtanong?" sunod-sunod na tanong nito sa akin.

"Bakit ikaw ba hindi mo tinakasan ang problema mo?" Tanong ko dito.

"Nope. Sinundan ko nga ang problema ko dito sa Japan." Sabay tawa nito.

"Tapos ako naman. Yung problema ko ang sumusunod sa 'kin." sabay pa kaming tumawa ni Kerbe hindi na namin namalayan ang oras at gumagabi na rin. Bago nakapagpaalam sa isat-isa. Siguro tama si Kerbe ang problema hindi tinatakasan kundi sinusundan lang hanggang ang problema nalang ang mapagod ng mapagod sayo dahil sunod ka nang sunod.

Siguro uuwi na ako ng Pilipinas at harapin ang problema ko na hindi naman talaga kalakihan.

😊

"Good morning, Sir!" Masigla kung bati sa boss ko habang busy ito sa kung anong bagay at pinagsakluban ang mukha sa sobrang frustration. Hala akala ko ba kasal na ito at si Irene bakit parang beastmode ito ngayon at wrong timing pa yata ako.

Nakita ko naman itong gulat na gulat ng makita ako. At umaliwalas ang mukha nitong madilim kanina. Kaya kumaway pa ako dito with pina-smile.

"Youre fired!" Sigaw ng boss ko.

"Ganern? O-Okay!" masigla kung sabi sabay talikod ko at maglalakad na sana para umalis na sana kaso muli akong tinawag nang boss ko kaya muli akong humarap dito. With smile.

"Sandali lang" tawag ng boss nito sa akin.

"Tanggap napo ba ako ulit?" Tanong ko dito. Nakita ko naman na tumango ito.

"Oo, tanggap kana ulit. May ipapagawa lang ako sayo. Pumunta ka sa address na iyan. Wag na wag kang aalis hanggang hindi ka pinagbubuksan ng gate." Sabay lahad naman ng maliit na papel sa kanya. Kaya agad siyang tumalima sa utos ng boss niya. Kakaloka naman, ang plano lang niya magpakita sa boss niya pagkadating niya sa Pilipinas. Bukas nalang siya papasok. Pero iba talaga ang pakiramdam niya. Parang may hindi magandang mangyayari pero hindi naman niya alam kung ano. Bahala na nga.

"Ma'am andito na po tayo" sabi ni manong driver. Napanganga naman ako sa laki nang bahay. Kanino kaya ito. Agad din naman siyang nagbayad. Nakakapagtaka nga lang agad silang pinapasok ng guarda ng subdibisyon ang alam niya pag subdibisyon ay istrekto sa mga tinatanggap na bisita pero kanina hindi man lang sila sinuway bagkus sumaludo pa ito sa amin.

Baka naman kasi Tamarra alam na nilang dadating ka kaya hindi ka na tinanong kung saan ang punta mo. Baka nga. Agad din naman siyang nag doorbell pero nunka ni wala man lang bumukas sa kanya. Hindi rin siya pwedeng umalis nalang basta-basta ang sabi kasi ng boss niya wag siyang aalis hanggang hindi siya pinagbubuksan.

Bigla namang tumunog ang tiyan niya. Kakaloka. Hindi papala siya nakakakain dahil ang plano nga niya ay kumain nalang sa apartment niya para iwas gastos. Muling tumunog ang tiyan niya this time sobrang lakas na talaga.
"Please lang tiyan wag muna ngayon. Mamaya na okay." kausap ko sa nagugutom kung tiyan. Nang sa di kalayuan may nakita akong sasakyan papalapit sa pwesto ko pero dahil sa gutom ako hindi ko na ito pinansin pa.

My Mini Heart Attack (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon