Napapalunok nalang ako at napapakurap sa nalaman. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa nalaman ko.
"So ano. Sasabihin mo pa rin bang kabit ka?" Tanong ulit ni Mario sa akin. Napapailing nalang ako. Nga pala saan na kaya si Marian.
"So nasaan na pala ang kakambal mo?" iwas na tanong ko. Nakita ko naman ang ngisi ni Mario sa akin.
"Ayaw ko nga" napakunot noo naman ako.
"At, bakit ayaw mong sabihin sa akin? Siguro gusto mo pa siya ano? Siguro balak mo siyang pakasalan kasi nga may anak na kayo, pwede yun. Kasi unang-una mahal mo ang kakambal mo. Pangalawa pwede na naman kayo, kasi patay na ang magulang niyo ni Marian. Kaya pwede mo na rin palitan apilyedo mo kung gugustuhin mo dahil mayaman ka naman." napataas tuloy ang boses ko. Sa sobrang inis kay Mario pero ang walang hiya ay naaliw pa sa sinabi ko. Nakaka tang-ina lang talaga. Kaya mabilisan akong tumayo at pinagbuksan ng pintuan si Mario.
"makaka-alis kana. Huwag ka na ring bumalik pa. Dahil simula ngayon ayaw na kitang makita pa." inis ko siyang tinalikuran. Narinig ko naman ang pagsara ng pintuan ko. At paglingon ko ay wala na si Mario. Kita mo 'yun, Anak. Hindi man lang ako sinuyo ng magaling mong ama. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mapaluha."Ito na yata ang huling araw na masisilayan ko ang iyong ama anak. Dahil pinili niya ang ina ng kapated mo." napalakas naman ang hagolhol ko. Dahil sa pinagsasasabi ko. Dapat ko na yatang kalimutan ang pagmamahal ko kay Mario. Napabuntong-hininga ako. At pinunasan ang likido sa aking mata. Humiga din ako sa sofa at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako doon pero pag-gising ko nasa silid na ako. Sigurado akong nasa sofa ako nakatulog. Pero bat nandito na ako sa sofa. Ano iyong nag sleep walk ako. So creepy.
"Gising ka na pala" boses iyon ng babae. Pagkatingin ko nakita ko si Irene. May ngiti sa labi. Tumabi naman ito sa akin. At niyakap ako. Napa-atras ako ng kunti. Dahil ina-amoy ko ang sarili ko. Ikaw ba naman yakapin ng babae katulad mo at fresh na fresh samantalang ako ay haggard na haggard simula pa ka hapon. Hindi pa nga ako nakapagpalit ng damit.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito. Pinadala ako dito ni Kuya Mario. Sabi niya kausapin daw kita."
"Sino kasama mo dito?" Tanong ko ulit. Baka kasi kasama nito ang ina niyang si Marian.
"Just me."
"Ikaw lang? Paano mo ako nabuhat? Sino nagpasok sa akin dito sa silid ko?" Sunod-sunod na tanong ko kay Irene.
"Ewan" nagkibit balikat lang si Irene sa akin. "Basta pagdating ko natutulog kapa dito ng mahimbig. Oh, Shocks wala bang maligno dito?" sabay tawa ni Irene sa akin. Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Irene.
"Walang maligno dito no. Sa tatlong buwan never pa akong nakakakita ng maligno dito."
"Tamarra" Tawag sa akin ni Irene.
"Mahal mo ba ang kuya Mario ko. Ay Shocks Daddy ko pala." Sabay tawa ni Irene sa akin. Ako naman tulala. At walang makapang sagot sa tanong ni Irene sa akin.
"Silent means yes, pero bakit mo pinapalayo si Daddy ko sayo, Tamarra?" Tanong ni Irene sa akin. Bomuntong-hininga ako. Bago sumagot.
"Dahil ayaw kung masaktan ang nanay mo, Irene. Nagmamahalan ang magulang mo sa isat-isa. At wala man lang akong panama doon." sabay yuko ko.
"Matagal nang tapos ang pagmamahalan nila, Tamarra. Dahil isang pagkakamali lang naman ang lahat, noon. Matagal ng nakasara ang kwento ng magulang ko, Tamarra. Ay hindi na iyon ulit mangyayari. Ikaw na ang mahal ni Kuya Este Daddy Mario pala."
"Pwede pang magkabalikan ang magulang mo, Irene kung gugustuhin mo" Bigla naman napabunghalit ng tawa si Irene. Para bang may mali ako sa sinabi ko. "May nasabi ba akong mali?" tanong ko dito.
"Tamarra, paano magkakabalikan kung ang isa ay patay na... Nakalibing na sa lupa ng mahabang panahon. Kung naririnig ka lang ni Ate este mommy Marian ko. Tatawanan ka din non. At isa pa ikaw na ang mahal ng kuya ko na nga lang. Hirap ng daddy bigkasin. Tamarra ikaw ang mahal ng kuya mario ko. Ang aking ina ay matagal ng wala. Pagbigyan mo naman ang sarili mong magmahal na walang ina-alalang nakaraan. Alam mo ba na pumunta kami sa Dumaguete. Para hingin ang kamay mo. At kamuntikan pang na itak ang kuya mario ko. Mabuti nalang nahimatay si Kuya edi naawa ang tatay mo sa kanya. At ibinigay na ang bleesing na pakasalan ka. Shocks nasabi ko ba iyon, oh my gey. Lagot ako nito wag mo nalang sabihin na... Nasabi ko sayo okay." napangiti naman ako. At tsk nagseselos ako sa patay na pala. Grabe ka kung magselos Tamarra. Marami pa kaming napag-usapan ni Irene tungkol sa buhay mag-asawa nila ng boss ko. Bago ito umalis. Madami pala ako dapat ipagpasalamat kay Irene at kung hindi na broken hearted si sir simon ng dahil kay Irene ay baka hindi ako pupunta sa bar para maglasing nang gabing iyon. Hindi ko makikita si Mario din. Gosh. Napangiti nalang ako. Salamat talaga at broken hearted si Sir at ako din.
"Bakit ka naka ngiti?"tanong sa akin ng baritinong boses habang nasa kusina ako nag luluto ng agahan ko.
"Ano paki mo. Pwede ba mario layo-layoan mo ako. Ang aga-aga binubuset mo ako" Sa naiinis kung sabi. Pero hindi naman ako na iinis dito. Nahihiya lang ako dahil nahuli ako nitong nakangiti parang baliw lang diba. Tsk. Nakakahiya.
"Okay sabi mo e" Tatalikod na sana si Mario ng hinila ko ang kamay nito paharap sa 'kin.
"Saan ka naman pupunta?" nakapamaywang kung tanong dito.
"Sabi mo layuan kita. Kaya lalayo na ako" ngisi ni Mario sa akin. Napatampal naman ako ng kamay sa noo ko. At mabilisan kung hinalikan si Mario sa labi na tinugon din naman ni Mario.
"Ang sabi ko lumayo-layo ka hindi ko sinabing layuan mo ako. Mag-ka-iba iyon. Kuha mo?" Inis na tanong ko kay Mario. Ngumiti lang naman ito at muli akong hinalikan sa labi.
"Will you Marry Me, Tamarra" dahil sa gulat nasampal ko si Mario. Napahawak naman si Mario sa pisngi nito. "Bat mo ako sinampal?" Nalilitong tanong nito sa akin.
"Hindi biro ang kasal, Mario. Kaya umayos ka."
" Sino bang nagsasabi sayong nagbibiro ako. Hindi ako nagbibiro."
"Bakit kahapon umalis ka. Iniwan mo ako?" galit na tanong ko dito.
"Bumalik ako. Nakita pa nga kitang natutulog sa sofa kaya nilipat kita sa silid mo. Bumili lang ako ng singsing para yayain ka nang magpakasal sa akin. Pero tulog ka kaya hindi ko na naitanong sa 'iyo iyon kagabi. Tapos ngayon naman sinampal mo ako. So therefore i conclude. Hindi mo talaga ako mahal. Sige aalis na ako. Goodbye" sabay talikod ni Mario sa akin at tuloy-tuloy lang ito. Kaya napasigaw ako ng.
"YES, MARIO. PAPAKASALAN KITA. KASI MAHAL KITA!" biglang tumigil sa paglalakad si Mario. At tumingin sa akin.
"Hindi ako naniniwala sa 'yo. Hanggang wala kang pinapatunayan sa akin." ngumisi naman ako ng nakakaloko sabay hulog ng bistida ko sa, sahig.
"Hindi pa ba ito sapat?" Nakakalukong tanong ko kay Mario. Nakita ko naman itong lumapit sa aki. At hinalikan ako ng sobrang pusok sa aking labi. Ganon din ako.
"Mahal kita, Mario"
"I love you even more"
THE END
BINABASA MO ANG
My Mini Heart Attack (COMPLETED)
Ficción GeneralSi Tamarra Alcantara. Ay may lihim na pagtingin sa kanyang boss na Si Simon Ramirez pero sa anim na taon niya bilang sekretarya nito ay ni hindi man lang niya nakitaan ang binata na pagkagusto sa kanya. Hanggang sa nalaman niya ang rason kung bakit...