Naka ilang buntong-hininga na ba ako. Pero hindi pa rin ako lumalabas ng silid ni Mario. Parang ayaw kung lumabas ng silid na ito. Dahil sa oras na lumabas na ako ng silid na ito ay baka pag-usapan na namin ang tungkol sa anak nitong si Irene at sa Ina nito. Alam ko iyon ang pag-uusapan namin. Pero ayaw ko talagang malaman. Baka sa bandang huli masasaktan lang ako. Napapakagat ako sa aking kuku. Hindi sa ayaw ko kay Irene. Nahihiya lang talaga ako dito. Baka kasi sabihin nitong inagaw ko si Mario sa ina nito. Damn it.
Napabigla naman ako ng may kumatok sa labas ng pintuan. Siguro naiinip na si Mario sa kakahintay sa akin. Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang tumayo at hinawakan ang seradora ng pinto sa silid ni Mario at tuluyan ko na itong binuksan na may ngiti sa labi. Pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Sobrang ka ba.
"Tapos ka na?" tanong ni Mario sa akin at hinila ako nito para yakapin. Tumango nalang ako. Dahil ayaw kung maramdaman nito na hindi ako okay. Tumango naman si Mario at hinila na ako pababa ng hagdanan. Napatingin naman ako sa buong bahay nito. Sobrang laki naman. Sa sobrang laki baka ayaw mo nang lumabas ng silid mo dahil sa takot na baka maligaw ka.
"Asan ang mga katulong mo?" Tanong ko kay Mario habang naglalakad kami.
"Day off" Tumango-tango naman ako kahit hindi nakikita ni Mario.
"Napakalaki naman ng iyong bahay siguro. Dito din tumira ang ina ni Irene"
Ay bobo ka talaga, Tamarra. Kanina lang natatakot kang pag-usapam ang tungkol sa ina ni Irene tas ngayon ikaw pa talaga ang nag open up ng problema. Tunta.
"Yes"
"Huh?" Nalilitong tanong ko dito. Napahinto tuloy kami sa paglalakad.
"Diba may tanong ka sa akin. Kung dito ba nakatira ang Ina ni Irene. So i said. Yes. Dito siya nakatira. Sabay na kaming lumaki." Paliwanag ni Mario sa akin ako naman. Nasasaktan na sa mga pinagsasabi nito sa 'kin. Gosh. Stop it Mario ayaw ko pang malaman na dito niyo rin nabuo si Irene.
"So dito niyo rin nabuo si I-irene?" ay tangga ayaw daw niya malaman na dito na buo si Irene pero tinaning niya. Tunta ka talaga Tamarra.
"Yes" Sabay turo ni Mario sa isang sofa sa di kalayuan.
Damn bat ang sakit-sakit. Malaman mo palang dito tumira ang ina ni Irene ay parang piniga na ang puso niya. Tapos tinuro niya pa kung saan nabuo si Irene. Double damn. Ang sakit.
"Sa sofa?" walang gana kung tanong ko dito. Sabay turo na naman nito sa malayo. Kung saan nakaturo sa isang silid.
"That's her room. Irene Mother. Jan ko siyang unang na akin." sabay ngiti sa akin ni Mario. Bat ang sakit-sakit na nakikita mong naka ngiti na ina-alala nito ang nakaraan nila ng babaeng ina ni Irene. Agad akong umayos ng tayo. "Mahal mo siya?" Tanong ko ulit. Tinu-torture ko na yata ang sarili ko sa mga tanong at sa isasagot ni Mario sa akin.
"Yes. I love here so much"
"Hanggang ngayon, mahal mo pa rin siya?" Nakita ko na namang tumango si Mario na may ngiti sa labi. That's it. Im done. Itinulak ko siya ng ubod na lakas at tumakbo palabas ng bahay ni Mario. Naririnig ko pa ang pagtawag ni Mario sa pangalan ko. Pero hindi ako tumigil. Ang gusto ko lang ay umalis kung saan si Mario. Sapat na sa 'kin na malaman kung hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang Ina ni Irene at ako ay pangpalipas oras lang sa kanya. Ako lang ang nagmahal sa aming dalawa.
It's time for me to move on. Kahit napakasakit sa puso.
3 MONTHS LATER
"Aling Chaling" Tawag ko sa matandang babae na nagwawalis ng sarili nitong bakud.
"Uy! Tam-Tam. Anong atin?" Tanong ni Aling Chaling sa akin na may ngiti sa labi. "Ano ito?" kunot noong tanong ni Aling Chaling sa 'kin.
"Leche Flan po. Sinubukan kung gumawa. Para may pangdag-dag sa ibibinta kong pinatamis... At gusto ko pong kayo ang unang tumikim.." paliwanag ko dito.
"Sos nakong bata ka. Nagpapahinga ka pa ba. Alalahanin mong tatlong buwan ka nang buntis. At bawal sa isang buntis ang mapagod." pumasok naman si Aling Chaling sa bahay nito na hawak-hawak ako sa pulsuhan ko.
"Aling Chaling naman. Hindi pa naman mabigat itong tiyan ko. Kaya ko panga pong mag buhat ng mabibigat. Ay!" Napasigaw naman ako dahil kinurot ni Aling Chaling ang ibabang bahagi ko.
"Anong mabibigat. Ikaw na bata ka. Masama sa buntis ang nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Masilan pa ang tatlong buwan. Kaya alagaan mong mabuti ang iyong sarili at ng iyong anak. Asan ba kasi ang naka buntis sa iyo at hanggang ngayon di ko pa nakikitang dumadalaw sa iyo dito. May balak ba siyang dalawin ka? May balak ba siyang panagutan ka?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Aling Chaling. Kaya napayuko nalang ako. Dahil sa totoo lang hindi ko pa nasasabi kay Mario na may anak kami at mas lalong hindi ko pa na sasabi sa magulang ko kung nasaan ako.
"Apo" Tawag sa akin ni Aling Chaling kaya napatingin ako dito sa mata. "Sabihin mo nga ang totoo sa akin. Tatlong buwan ka na dito sa San Isidro pero hindi ka pa rin nag kukwento. May itinatago kaba sa akin.?" Tanong nito sa akin dahilan para mapaluha ako ng tuluyan. Nakaramdam naman ako ng mahigpit na yakap mula kay Aling Chaling. "Kung ayaw mo pang sabihin sa akin. Ayos lang iyon. Basta maaari bang alagaan mo ang iyong sarili." ngiti ko naman dito at muli akong niyakap ni Aling chaling. "Ang mabuti pa kainin na natin iton ginawa mong leche flan." Ngiti na binigay ni Aling Chaling ang maliit na kurbertos. Ang sabi naman nito kuwang-kuwa ko daw ang tamis. Kaya napakasaya kung umuwi sa maliit ko na bahay kubo isang metro mula sa bahay ni Aling Chaling. Napahinto naman ako saglit at tinitignan ko ang buong lugar. Dahil kanina pa ako nakakaramdam na may nanunuod sa akin. Pero wala naman ng iginaya ko sa buong palibot ang aking paningin. Napabuntong-hininga naman ako na hinawakan ang umu-umbok na tiyan ko.
"Baby. Kapit ka lang ha. Mahal na mahal kita. Kahit hindi ka mahal ng iyong ama. Mahal naman kita kahit hindi pa kita pinapanganak." Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang naglalakad habang tinitignan ko ang liwanag ng araw na papalubog. Muli na naman akong nakaramdam na parang may nakatingin sa akin. Hindi kuna sinubukan pang igala ang ang paningin. Dahil pakiramdam ko may kung hindi magandang mangyayari kung ilibot ko ang aking paningin. Wala pa naman akong nakakasalubong na tao kaya mas binilisan ko ang aking paglalakad pero napatalon ako sa gulat ng may kamay na pumulopot sa aking bewang.
"Do you think. You can run away from me." Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses at yun nalang ang ikinalaki ng mata ko sa nakikita. Hindi maaari ito. Bat siya nandito. Damn it. Ako na nga itong umiwas tas. Hito na naman siya. Damn it! Mura ko sa aking isipan.
"Mario"
He smirked
BINABASA MO ANG
My Mini Heart Attack (COMPLETED)
Ficção GeralSi Tamarra Alcantara. Ay may lihim na pagtingin sa kanyang boss na Si Simon Ramirez pero sa anim na taon niya bilang sekretarya nito ay ni hindi man lang niya nakitaan ang binata na pagkagusto sa kanya. Hanggang sa nalaman niya ang rason kung bakit...