PUSTAHAN SA PAG -IBIG Part 1

73 1 0
                                    

Sa edad na labing walong taon, masasabing ganap na dalaga si Anagnina. Ang hugis ng kanyang katawan at ang kanyang tindig, Ay umayon sa kanyang  murang  kagandahan.

Kaya hindi maiwasan, na may mga  kalalakihan  na  napapalingon  sa  kanya, sa  tuwing naglalakad siya sa daan.

Ang mga pagbabagong ito, ay lihim na nagbibigay ngiti sa bagong ganap na dalaga.

"Anagnina, pabulong na boses ng kaibigan si Xenia

"tingnan mo?!...saiyo naka titig ang lalaki na iyon!"

"Ikaw talaga napatingin lang sa tapat ko, sa akin na agad napatingin!"  ang  mahiyaing      sagot ng dalaga na sa kapansin-pansin na pimumulahan ng pisngi nito.

"Oo, manilwala ka sa akin...ikaw ang tumingin!" dugtong ni Xenia

"Ewan ko sa iyo,baka ikaw ang nakatingin sa lalaki!

Pinamulahan ng mukha si Xenia. Pero hindi siya nagpahalata kay Anagnina.

"Ikaw talaga ayaw mong maniwala!"...bahala ka na nga!pabirong salita ng kaibigan.

Iniba na ni Xenia ang tingin niya at hindi na niya pinansin ang nagpapansin na lalaki.

Halos mangawit na ang mga binti nila sa kalalakad sa paligid ng Colesseo.

Habang abala naman si Anagnina sa pagkuha ng Litrato sa paligid ng gusali, nang mga sandali na iyon lihim na nangiti si Anagnina sa narinig niya sa kaibigan.

"Gusto mo bang lumipat tayo ng lugar?!" Si Anagnina

1

PUSTAHAN SA PAG -IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon