PUSTAHAN SA PAG-IBIG Part 72

3 1 0
                                    

"Sorry po,...sana makatulong ako,...bakit hindi niyo ituloy ang pag iyak. Hindi naman nakakabawas ng pagiging lalaki ang iyak. Bagkus ito pa ang nagiging paraan para gumaan ang pakirandam at lumuwag ang dibdib niyo.

"Hanggang ngayon hindi ko alam kong napatawad na ako ng aking asawa sa malaking kasalan ko na nagawa sa kanya!"Sabi ni Mang Badong sa dalaga.

"Ano po bang malaking kasalanan niyo sa asawa niyo, at pakirandam ko masyadong mabigat sa dibdib niyo ang lahat?!"Patuloy na usisa ni Anagnina kay Badong kahit alam niya na parang umiiwas siya sa mga tanong nito.

"Hindi ko alam kong paano nangyari,...nakatakdang manganak noon ang asawa ko, Pero wala ako sa tabi niya nang nag lalabor siya noon.

Habang lasing na lasing ako at kasiping ko sa piling ng iyong ina!"Diritsahang pag salaysay ni Badong.

"Haa?!"Napamaang ang dalaga.

"Mga kuwento na lang ang pinanghahawakan ko, Ang totoo hindi ko alam , Kong ilan ang isinilang ng aking asawa.

Pero marami ang nagsasabi na kambal ang aking anak, Dalawa malulusog na sanggol na babae...huh u hu!"Hindi ko naabutan na buhay ang asawa ko halos nasa tatlong araw akong walang ulirat dahil sa kalasingan.

ITUTULOY

PUSTAHAN SA PAG -IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon