PUSTAHAN SA PAG-IBIG Part 14

5 1 0
                                    


Natapos na ang tatlong oras niyang trabaho sa kanyang amo. Bahagyang humarap sa salamin si anagnina para tiyakin na maayos pa ang kanyang mukha na pansin na hindi naman pinag bakasan nang pagod kahit na ito ay mahaba haba rin ang tinapos nitong trabaho sa mag hapon sa lalabas na si Anagnina tiniyak rin niya na maayos pa ang kanyang suot na damit at saka nito binuksan ang dambuhalang pintuan palabaas na ng condominum.

Natanaw na ni Anagnina, ang kotse na matagal nang nakahimpil sa harapn nang bahay nang kanyang amo, puno nang kaba ang kanyang dibdib. Pero inutusan niya ang kanyang sarili na pakalmahin nito ang kanyang sarili. At saka unti-unting lumapit sa kotse na naka parada sa tabi ng bus stop.

Nang mga sandali na iyon, lumabas na ng kotse si Arvin at binuksan niya ang pintuan sa harapan nito. Nang biglang dumating ang hindi inaasahan na isang panauhin, sa harapan nila

"Hi sweetheart, how are you?!" Isang malambing na boses na familiar sa pandinig ni Arvin na biglang ikinagulat ng lalaki.

"Hhh hi, Olga ?!"Pa utal -utal na sagot ng binata

Nabigla si Arvin sa hindi sinasadya na pagdating ni Olga. Nalito ang isip ng binata kung kanino ibubuhos ang kanyang tingin

Mas lalong nataranta si Arvin ng biglang lumapit si Olga sa kanya ng bilang ilapat ang kanyang labi sa labi ng binata. Hindi pa nasiyahan lumambitin pa sa batok si Olga. Gustong umiwas sa mga pangahas na labi ni Olga

Nang mga sandali na iyon pinipilit iniwasan ni Anagnina ang pangyayari sa harapan niya at hindi nagustuhan ang nakita niya sa dalawa.

"Sinundan kita dito sa italia, para magka ayos tayo. kasi, umalis ka sa america na hindi ka manlang nagpasabi na aalis ka at uuwi ka dito!"...sana nag sabay tayong umuwi!" Ang pa tatampong boses at mapang akit nitong tinig.

ITUTULOY

PUSTAHAN SA PAG -IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon