Mabilis din itong umalis, papasok sa isa pa nitong Partime Job nito.
Hindi na napigilan ni Arvin, na hindi mapapalingon at sundan nang tingin sa dalaga.
Maya-maya pa'y biglang pumihit ang kanyang paa, para sundan ito, mabilis niyang kinuha ang kanyang kotse at sinundan ang dalaga sa bus stop na pinaghihintayan palagi ng dalaga
"Anagnina ?!", Napalingon ang dalaga sa tawag ng kanyang pangalan. Si Arvin
"Sumabay kana , sa akin...saan ka ba patungo ,ihahatid na kita?!" Biglang sumungaw sa bintana ng kanyang kotse si Arvin. Nagulat man si Anagnina sa binata.
Pansin niya parang lumundag ang kanyang puso.
Pero hindi siya nag pahalata dito, sa una ayaw nang dalaga paunlakan ang kahilingan nang lalaki na sumabay na ito sa kotse.
"Sige na, huwag na lang po senyorito!"Halos binigyan niya ng distance ang kanyang sarili sa anak nang kanyang amo. Hanggang sa dumating ang bus na para sakyan ni Anagnina.
"Sige Senyorito, nandito na rin lang ang bus na sasakyan ko, byee?!" Ang pag galang na paalam nang dalaga sa binata.
Inakala ni Anagnina na , hindi na siya sinundan ng binata, mabilis na bumaba ng bus ang dalaga . At naglakad at may narinig naman siyang familiar na tinig.
"Maghihintay ako dito, mamaya pag labas mo diyan sa trabaho mo ?!"Pauli-t ulit na sinabi ng binata sa dalaga.
"Huh?! senyorito nakakahiya po !"
Nararandaman ni Anagnina, todo todo ang kanyang kaba sa ginawa ng binata na sundan ang bus na sinasakyan nito.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN SA PAG -IBIG
RomancePAANO MATATANGAP NA ANG LALAKING MINAHAL MO AT PINAG UKULAN MO NG IYONG PAG- IBIG AY ISA PALANG PUSTAHAN, PAANO MO ITO MATATANGAP. KUNG IKAW ANG IIBIG AT NALAMAN MO PINAG LARUAN ANG IYONG PUSO. SINO ANG PA...