PUSTAHAN SA PAG -IBIG Part 40

3 1 0
                                    

Sa bahay, May bisita ang kanyang ina. Masaya siyang papasok sa loob ng kanilang tahanan. Hindi niya sinasadya na marinig nito na may kausap ang kanyang ina. Badong ang pangalan ng lalaki na kausap ni inay.

"Matagal na panahon na hinahanap ko ang aking anak na si Rose?!" Sabi ni Badong kay Aling Karing.

"Bakit sa akin mo sinasabi at hindi ako ang pulis station para sa hinahanap mo?!"

"Sinasabi ko lang ang nangyari sa akin buhay!"

"Wala nang dahilan para ipaalam mo sa akin ang mga bagay na mahalaga sa iyo...Hindi na mahalaga sa akin iyan!"

"Hanggang ngayon ba'y sukol pa sa langit ang galit mo sa akin?!"

"Sa tagal ng panahon na mawala ka sa buhay ko, Wala na siguro dahilan para pag-usapan natin ang mga bagay na nakaraan sa ating buhay...Mabuti pa siguro umalis ka na malalim na ang gabi.

Nasa gilid ng pinto si Anagnina,Kahit alam niyang hindi magandang makinig sa pag-uusap ng dalawa hindi niya sinasadya na marinig ang pag-uusap ng kanyang ina at Badong.

ITUTULOY

PUSTAHAN SA PAG -IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon