PUSTAHAN SA PAG-IBIG Part 28

5 1 0
                                    

Balik sa bahay si Arvin, patuloy ang talunan ng dalawa at hinarap ni Olga si Arvin

"Alam kong pinasasakitan mo lang ako, Gaya ng dati mong ginagawa, at naniniwala parin akong mahal mo parin ako!"

"Please Olga, Tantanan mo na ako!"

"Napapagod din ang mag mahal lalo't ikaw ang pinag aalalayan ko! Ang sabi ng binata

"Hindi mo magagawa sa akin iyan!" Sabi ni Olga.

Lumapit si Olga kay Arvin, Biglang kinuyumos ito ng halik sa labi mainit at nag –aalab. Pero si Arvin ang bumitiw ng mapansin ng binata na aktong lalambitin pa ang mga braso ng dalaga sa leeg ng binata.

"Olga,Please!"

Pinilit ni Arvin na tuluyan makawala sa pag kakayakap sa kanya ni Olga.

"Mag kanya kanya muna tayo, Olga!"

Biglang sumiklab ang galit ni Olga

"Bakit sino ba ang pinagmamalaki mo?!"

"Wala na dapat tayong pag –usapan!"

Tumalikod na si Arvin at iniwan mag-isa si Olga, Na siyang lalong kinainis ng babae

"Sana mabasted ka at pag basted kana tiyak na lalapit ka sa akin. Doon,...doon hindi kita papansin hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo.hu!hu!hu!"

Hindi mapigil ni Olga ang mapahagulgol sa matinding sama ng loob iniwan siyang nag –iisa.

ITUTULOY

PUSTAHAN SA PAG -IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon