Kinabukasan sabay ng pag labas ng araw, Palabas na rin ng bahay si Xenia para mag trabaho sa kanyang amo na malapit din sa kanyang lugar, Halos malapit lang sa Termini hindi na rin man kalayuan sa kanyang bahay.
Naiwan mag isa si Anagnina sa silid na pinag tulungan nila, Nararandaman din ni Xenia, Kahit tulog siya hindi nakatulog nang maayos si Anagnina. Kaya hindi na niya inaya ito tumayo para sumabay sa kanyang breakfast.
Bagkus hinanda na lang niya ang aalmusalin nito sa oras na ito ay tumayo nang mga sandali na iyon, Mabilis na tumayo ito at binuksan ang bintana para mag palit ng hangin sa loob ng kuwarto si Anagnina at muling bumalik sa higaan ang dalaga.
Halatang mukto ang mata sa hindi pag katulog nito sa magdamag.
Nilibang ni Anagnina ang kanyang sarili sa panunuod ng tv. Kahit alam niya sa sarili niya na hindi niya naiintindihan ang pinanunuod nito, ang lagi na lang sumasagi sa kanyang gunita ang hindi magandang pagtrato sa kanya, ni Aling karing kahit na siya ay maliit pa.
Maraming bawal sa kanya, Ang makipag kaibigan lalo na kay Xenia. Wala raw magagawang maganda ang makipag barkada na kagaya ni Xenia kaya lihim ang pagkikita nila at halos hindi makatungtong sa bahay nila si Xenia. Isipin na lang kung hindi niya naging kaibigan si Xenia, saan kaya siya pupulutin.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN SA PAG -IBIG
RomancePAANO MATATANGAP NA ANG LALAKING MINAHAL MO AT PINAG UKULAN MO NG IYONG PAG- IBIG AY ISA PALANG PUSTAHAN, PAANO MO ITO MATATANGAP. KUNG IKAW ANG IIBIG AT NALAMAN MO PINAG LARUAN ANG IYONG PUSO. SINO ANG PA...