PUSTAHAN SA PAG-IBIG Part 76

3 1 0
                                    

Nagulat si Aling Karing ng ilabas na niya iyon sa kanilang salas.

"Saan ka pupunta, anak?!"Takang tanong nang ina sa dalaga

"Babalik muna ako sa Pilipinas !"

"B-Bakit...ano'ng gagawin mo doon?!"

"Gusto ko lang tumungo sa aking ama. At makita at makilala siya ng tuluyan!" Walang gatol niyang sinabi sa kanyang ina iyon.

"Ano'ng ibig mong sabihin?!"...napa upo sa sofa si Aling Karing sa hindi inaasahang pangyayari at sa mga narinig mula sa anak. May guhit ng takot at lungkot sa mukha ng matanda.

"Hanggang ngayon inay, Hindi ako makapaniwalang wala na si itay. Kong siya'y wala na bakit wala tayong pinupuntahan na puntod ni itay...buhay ang aking ama, si tatay Gardo nasa Batangas...ano pa ang itatago niyo?!"Tuloy-tuloy na sabi ng dalaga sa ina.

"Huwag ka ng umalis...pakiusap!"

"Buo na ang pasya ko, Inay!"

"Wala doon ang iyong ama!"Sabi ni aling karing, Malungkot at masakit man ngunit panahon na yata na malaman ng anak ang pawang katutuhanan,

ITUTULOY

PUSTAHAN SA PAG -IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon