Singkad na ang araw at nakakapaso ang init na dumadampi sa kanyang balat. Hindi pa dumarating ang kanyang pakay na si Arvin.Paahon na siya sa pool na nililinis niya ng biglang dumating si Arvin na may dalang bugkos na mapupulang rosas.
"Para sa iyo!" Inaabot ang rosas kay Anagnina
Bahagyang tumalikod si Anagnina, Hindi niya pinansin ang inaabot sa kanya na mga rosas.
Naisip niyang iyon na ang simula ng kanyang panunuyo sa kanya. Pero gusto muna niyang matiyak ang tutoo nga sa plano ni Arvin sa kanya.
"Salamat ilapag muna lang diyan sa mesa ?!"
"Malungkot ka yata?!" Tanong ng binata
"W- wala , po senyorito!"
Nang biglang dumating si Olga na hindi nila inaasahan
"Well! Well!"...Masyado naman maganda ang setting ng iyong ligawan, Nasa gilid ng pool?!" Ang pakantiyaw na nakakainis na boses ni Olga.
"Olga, Bakit nandito ka, anong ginagawa mo dito?"
"Hindi ko alam na katulong na pala ang binibiktima mo ngayon!"
Hindi pinansin ni Anagnina patutsada ni Olga sa kanya. Bagkus pinagpatuloy niya ang pag lilinis ng pool hanggang sa humakbang palayo sa kanya.
"Sandali?!"...Kailan pa nangyari na, Humalik sa lupa ang langit?!" Ang patutsadang muli ni Olga
Matalim ang pangungusap ni Olga, Pero hindi manlang ininda ni Anagnina ang parungit sa kanya.
Isang matamis na ngiti lang ang ginawad ni Anagnina kay Olga at nag salita
"Huwag kang mag alala, Iyong iyo ang hindi mo pag –aari. Mas maganda siguro ikawing mo kaya sa iyong saya. Para hindi makawala.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN SA PAG -IBIG
RomancePAANO MATATANGAP NA ANG LALAKING MINAHAL MO AT PINAG UKULAN MO NG IYONG PAG- IBIG AY ISA PALANG PUSTAHAN, PAANO MO ITO MATATANGAP. KUNG IKAW ANG IIBIG AT NALAMAN MO PINAG LARUAN ANG IYONG PUSO. SINO ANG PA...