"Ibig ko sana na, Samahan mo ako sa paglilibot dito sa Roma, Maraming magaganda dito na hindi ko pa nakikita!" Ang pag yaya at pakiusap ni Badong sa ina ng dalaga
"Bakit ako,...At ako marami akong ginagawa,Maghanap ka nalang ng iba!" Paiwas na sagot ni Aling Karing.
Tatalikod na sana si aling karing , Nang biglang sumingit sa usapan nila si Anagnina.
"Sige na Inay, Sumama na kayo sa kanya, Para makita nila ang magagandang tanawin dito sa roma!" sabi ni anagnina sa ina, habang naka tayo sa may pintuan.
"Magtigil ka, Bakit hindi ka pa pumasok sa trabaho mo mahuhuli ka!" Sabay tingin sa dalaga si Aling Karing.
"Kung gusto niyo, Ako na lang ang sasama sa kanya, kung okay lang sa inyo,Inay?!" dugtong salita ni Anagnina.
Sabay tingin kay Mang Badong ang dalaga. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili bakit kakaiba ang nararandaman niya ng mga sandaling na iyon. Marahil siya ang aking ama. Iyon na lang ang inisip ni Anagnina sa kanyang sarili.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN SA PAG -IBIG
RomancePAANO MATATANGAP NA ANG LALAKING MINAHAL MO AT PINAG UKULAN MO NG IYONG PAG- IBIG AY ISA PALANG PUSTAHAN, PAANO MO ITO MATATANGAP. KUNG IKAW ANG IIBIG AT NALAMAN MO PINAG LARUAN ANG IYONG PUSO. SINO ANG PA...