Ang aking pagmamahal at ang aking pag katao...Ginawa niyo pang pag Pustahan ang aking damdamin ni Gardo.Alam ko na may pagtingin siya sa akin. Pero ikaw ang minahal ko at hindi siya!"Paliwanag ni Aling Karing kay Badong.
"Sa simula pa lang una ka nang minahal ni Gardo huli na nang malaman ko na may pag tatangi siya sa iyo. Nang malaman ni Gardo na buntis si Rosa sa akin, nagalak siya.Nabuhayan siya nang loob na isang araw magiging kayo, Parin pero mabilis ang pangyayari bigla kang nawala ka sa ating lugar!".Nang marinig mong pinag Pupustahan ka namin ka ay mali! "Idinagdag pa ni Badong. Si Anagnina at Xenia ay nakikinig lamang bilang mga nakarinig mula sa inaakala niyang ina.
"Hindi pag bibiro ang pinag-uusapan namin ni Gardo, Masakit ang naging pasya ko, Dalawa kayong minahal ko pero hindi ibig sabihin pinaglalaruan ko ang iyong damdamin. Maniwala ka sa akin Karing, lasing na lasing si Gardo, nang mag sabi siya sa akin.
Paano ko raw nagawang mamangka sa dalawang ilog kahit isa lang ang aking sagwan. Paano ko raw nakakaya mag mahal ng dalawa, Kahit alam niyang isa lang aking puso?Labis labis ka niyang pinag lalaban sa akin. Sa oras daw na iwan kita, Hindi pa tumitilaok ang manok nandiyan na siya sa harap ng inyong pinto. Ganoon ka niya kamahal!"Ang mahabang panumbalik salaysay ni Badong kay Karing
"Pero pinanghinaan din siya ng loob, Ang sabi niya Malabo na siya'y mahalin mo dahil ako lang ang iyong mahal. Kahit alam mo raw na may rose na ako sa buhay ko!"Dagdag ni badong.
"At sinabi niya Pustahan tayo, Ikaw parin ang mahal niya at hindi kaylan man mababaling sa akin ang kanyang pag- tingin. Iyan ang mariin niyang sinabi at pinuno nang takot at pangamba ang kanyang puso. Na baka mahirapan siyang paibigin ka"
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN SA PAG -IBIG
RomancePAANO MATATANGAP NA ANG LALAKING MINAHAL MO AT PINAG UKULAN MO NG IYONG PAG- IBIG AY ISA PALANG PUSTAHAN, PAANO MO ITO MATATANGAP. KUNG IKAW ANG IIBIG AT NALAMAN MO PINAG LARUAN ANG IYONG PUSO. SINO ANG PA...