PUSTAHAN SA PAG-IBIG Part 4

18 1 0
                                    

Nasa harapan na sila ng kanilang pinto at may narinig silang boses galing sa loob.

"Anagnina,ikaw naba iyan diyan sa labas?!" Medyo napalakas na boses ni Aling Karing.

"O-opo Inay?!" Sagot ni Anagnina sa kanyang Ina.

"Sige na alis ka na, bukas na lang tayo mag kita!" Sabay harap kay Xenia si Anagnina.

"Sige!"...byeeeee ang pa kikay na paalam ni Xenia

Nang nabuksan na ang pinto, nagtanong agad ang ina na si Aling Karing

"Sino ang kausap mo sa labas?!" Usisa na medyo striktong boses ng ina

"Si Xenia po 'nay ?!"

"Hindi ko gusto,maging barkada mo ang Xenia na iyan!"

"Mabait naman po siya inay!" Mahina at magalang na sagot ng anak

"Hindi siyang magandang ihimplo sa buhay mo...?!" Ang pangaral ng matanda na si Aling Karing.

Hindi na sinagot ang parungit ng kanyang ina, minabuti ni Anagnina na tumalilis at puntahan ang kusina para tumulong sa pag hahanda sa kanilang hapunan.

Habang abala sa paghahanda,sinabi ni Anagnina sa sarili na mabait naman si Xenia at humugot ng buntong hininga para may lakas siyang sabihin sa kanyang ina, kung sakaling ulitin pa siya nito nasabi muli nito sa sarili.

Habang kumakain, pinayuhan ng ina ang dalaga,

"Pag- aaral muna iyan atupagin mo, at iyang barkada na iyan walang maitutulong sa iyo ,'yan!" Sambit ni Aling Karing.


PUSTAHAN SA PAG -IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon