Um...hi

17 0 1
                                    



Yeh so like, uh. May lalake akong kinakausap online. At, parang more than a kaibigan yung meaning ng convo namin. Pangalawang beses na yata ito eh.

Kasi, magiging two months na kami at hindi naman kami public. Matagal na kami kaibigan, pangatlong taon na magkaibigan kami. Hindi kami masyado naguusap kasi hindi magka-batchmates kami. Pero, ngayon lng taon kami naguusap ng ayos. Kasi nagka-crush ako sa kanya sa end ng first term namin.

Tapos, halos araw-araw kinakausap ko s'ya. Kung ano na ang pinapagusapan namin noon eh. Tapos, tinanong ko s'ya kung sino crush n'ya at sabi n'ya na alam ko s'ya. Tinanong ko ang mga iba na kaibigan ko na medyo close rin sa kanya. Nalaman ko na kaibigan ko pala crush n'ya at parang naging sad ako dun. Kasi nag tatawagan kami sa isa't-isa na ate at bunso. Inassume ko na, parang ate figure lng ako sa kanya at na hindi n'ya ako iisipin ng more. Kaya, sinuportahan ko na lng s'ya sa mga decisions n'ya.

Nung birthday ko na, nagplano ako na sabihin ko sa kanya na crush ko s'ya. Sinabi ko na gusto ko s'ya at paalam kasi magiging awkward lng kami. Like, alam ng mga kaibigan ko na hindi ako papayagan mag ka relationship ako bago na may certain age. Kaya sinabi ko na goodbye, partially. Mamaya pag kakain kami sa labas, nag text s'ya na gusto n'ya rin ako.

Nasayahan ako dun pero alam ko na malaman ng mga magulang ko eventually. Pero nag text kami araw-araw. Kahit na may malaking risk na magalit ulit ang mga magulang ko, ginawa ko parin. Nung nalaman naman ng mga magulang ko, hindi ako kinausap ng nanay ko. Hindi ako umiyak kasi, nakita ko na ganun yung resulta n'ya. Hindi ako umiyak hanggan kinausap pa ako ng tatay ko, like parang tinitiwala po ako.

Nasaktan ako dun, kaya deactivate ko yung Facebook ko at delete messenger ko. Sinabihan ko s'ya na ayaw ng magulang ko sa'min pagkatapos ko na inignore ko s'ya ng mga ilang araw. Gusto n'ya parin kami mag-usap pero hindi ako sure kung dapat gawin namin.

Hanggang nung isang linggo, online lng kami naguusap. Sa School namin, meron kami massive chess set-up at nanunuod ako sa tabi. Tumabi s'ya sakin at nag usap na lng kami. Kahit na nanunuod ng game, magkatabi kami. Sumaya ako kasi nagkausap na kami ng ayos, yung face-to-face.

Naglaro kami ng table tennis/ping pong, madaming tawanan kahit na may mga ibang tao dun. Medyo mahaba ang mga convo namin pero, ngayon hindi na masyado. Alam ko na eventually na hindi n'ya ako gusto, at sinabihan ko s'ya sa mga wishes ng mga magulang ko para sakin. Sinabi n'ya na magiintay s'ya pero, parang mas magand na iiwanan n'ya ako. Kasi pag ganun, parang mas hindi masasaktan kami.

Alam mo yung feeling na ang saya saya mo pero may karma na darating. Yun ang nangyari sakin, madaming beses na eh.

Matatapos na daw ang visa nila at baka babalik na daw sila sa bansa nila. Napa badtrip ako dun, parang ayaw ideal with yun. Tsaka may pupuntahan pa kami eh. Kaya nag paalam na ako sa kanya at itinulak ko na lng yun sa likod ng isip ko. Sabi n'ya, hindi daw maayos ang visa nila kaya parang may biglaan ako naiisip.

Dapat mag ayos ako para bitawan ko s'ya.

Kahit na may feelings ako sa kanya, suportahan ko parin s'ya. Kahit na yung decisions n'ya, ay may iba na siyang gusto.

Na-accept ko na s'ya dati kasi alam ko naman na hindi s'ya makakahintay ganung katagal. Kaya pag ganun, hindi masyado masasaktan ako.

Kaya, pag dumating ang oras na...umalis s'ya.

Sana na maka bitaw s'ya, at ako rin.

Paalam sa iyo na advance.

Pasensya na konti lang ang oras natin at sana masaya ka palagi. Kahit na malayo tayo sa isa't-isa, makausap parin tayo. 

A Life to LiveWhere stories live. Discover now