CHAPTER ONE ~ the Jump Start

4.8K 50 16
                                    


I wish for prince.

A handsome prince.

Pero bakit ganun? 

Baliktad ang binigay sa akin?

KATNISS POV

 Nanlalamig. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang pakiramdam kong sobrang kaba. Dahil ba sa bago ako sa unibersidad na pinapasukan ko? O dahil sa natatakot akong mahusgahan ng mga taong nasa paligid ko. Alas otso ng umaga a nagising na ako. Kaya maagang nakapagbihis maagang nakapaghanda para sa school. At ngayon kasalukuyan ko nang tinatahak ang kalye papuntang school. Mag-isa, dahil wala ko sa mood na maghanap ng kasama, at gumastos para sa gasolina. Nais kong makapag-isip muna. Nais kong makapag-isa kahit sa isang saglit lang - wala sila bestfriend at pinsan kong lagi kong kasama. 

Wait~ sabi ko sarili bago humakbang ppasok ng school. "Safe naman siguro diba? What time na nga?"  Medyo nagtatago mode na sabi ko dahil may pinagtataguan nga ako. Sino? Tsk you'll find out magmakaharap ko siya ulit. Tss. Di ko naman kasi kilala yung lalakeng duster na yun.

10 AM ~ 

Napasinghap akong tumingin sa relos ko dahil nakarating din ako sa school ng hindi nalelate. 

So great hindi ako nalate. Tama maaga nga pala ako gumising :) All is set sa bagong bili kong shoulder bag na ang tanging laman lang naman ay libro at panyo at suklay. Well, babae nga naman ako, pero hindi ko uri yung palaging titingin sa salamin tyaka magpapakendengkendeng sa harap ng aking madadaanan. Hindi ako yung tipong magpapansin, at mag-aakit ng atensyon, dahil ang tulad ko ay simple lang. Ang gusto ko -- yung makapagdamit lang ng maayos, walang paki-alam kung ano ang tingin ng iba, kung ano ang ayos ko at ang magkaroon tahimik na buhay malayo sa lahat gulo, issue sa negsyo at higit lahat, sa anino ng Lolo kong Bakulaw. -- Sorry pero ganun talaga.

'Hay Katniss~ New school new life. Tama na ang pag-aalala pa sa kahapon, andito kana sa puntong dapat mong limutin na ang nakalipas para makapagsimula muli. Move on din pag may time' sabi ko sarili at pinipilit na nalang na ngumiti.

Hayyy Lord. Hindi naman ako humingi senyo na ibigay niyo sakin ang pinakagwapong nilalang. Hindi ako humihinge ng palasyo o ginto. Sana naman, this time around, there will be a man who will treat me right. Someone who will love all my bad and good side. Someone who can accept despite of everything.

Nandito na ko sa room at tahimik na naka-upo.Sa  aking pagmamasid, may napansin akong kakaiba sa mga tao. Hmm.~ Teka tao nga ba sila??? Sa asta kasi nila parang hindi na. Kanina pa kasi silang may pinag-uusapan. Tila Hot topic kasi hindi isang grupo lang ng babae na nag-uusap tungkol sa isang tao. Puro negatives lahat. Ano ba kasalanan ng taong ito sa kanila?

Ito yung kinakatakot ko eh, yung mahugahan ng tulad ng mga ginagawa nila sa kung sino man yang pinag-uusapan nila.

"Oo girl! Grabe talaga yang Zayn na yan. Laking pagtataka ko nga kung bakit ba sa dami ng kinasangkutan nyang gulo ay hindi pa napapatalsik yan!"

"Yeah! And c'mon look at him his like a monster. Para wala na atang pag-asang magkalovelife yan."

"Haha. Kung meron man. Malas ng babae."

"Like capital ewness. Ang yabang kala mo kung sinong guwapo"

Walang katapusan na pangungutya ng isang grupo ng mga babae sa lalakeng nagngangalang Zayn. Haist. Kawawa naman yung tao siguro kung nakakamatay yung backstabbing nakuu, naku sa malamang maraming nilalamayan ngayon.

Maingay ang buong room, maliban sa wala pang professor ay abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan at chismisan. Topic? 'all things under the sun' Kahit sino, at kung ano... basta may laman ang kwento asahan mong may kasunod na sabaw. Tsh Mga chismosa talaga.

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon