Ayan ahh... dahil ikaw ang unang reader ko. bwahahha dedic ko sayo yan. keep it up and thanks by the way, comment ka a ~ GIRLSTORYDREAMER
--------
Kersten and Dex
<A/N: Ang Chapter na ito ay naganap bago ang slumber party>
Dex POV
Kumusta mga kaibigan!
Ako nga po pala si Raydex Bautista. 19 taong gulang, kababata at kabarkada ni Zayn Vincent. Mula pagkabata kilala ko na ang tatlong makukulit na sina Zayn, Copper at Sky, mga mahihilig sa gulo at rumble. Subalit, kahit na ganun, sa kanila ko naramdaman at natutunan ang salitang pagkakaibigan. Na sa kabila ng pagkakaiba, hindi nag-iiwanan at tapat sa pagssamahan ng isat'isa.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng mag-isa sa canteen,
mamaya pa naman ang class ko, mga bandang 8:30 pa. Yung barkada kasi, lagi ng busy nitong mga araw na ito. Si Zayn, busy sa buhay may asawa. Si Sky busy sa RockHauz, e' yung si Cooper ewan, absent ng ilang araw nasa fieldtrip daw kasama pamilya niya. Hay! Naman, siguradong hihingi yun ng notes sakin. Talagang hahabulin niya lessons namin sa pagbalik niya.
Tahimik kong binabasa ang librong hawak ko, nang mahagip ng aking paningin ang isang babae...
"Hello? Napansin kong kanina ka pa naglilibot at nagpapapirma ng papel na yan. Maari ko bang malaman kung para saan yan?" Sabi ko ng siya'y aking lapitan.
"Dex!" gulat niya ng ako'y kanyang makita. Tss. Naman! Bakit di ko napansing si Kersten pala ang babaeng ito.
"Kersten!" gulat ko ding sabi.
"Oh, ito ba? Well as you can see I'm planning to hold a slumber party, I'm just checking out kung sino yung sure na pupunta... Hmmm you! Gusto mo pumunta?"
As far as I know her alam ko namang ayaw niya din ako sa party niya.
"Slumber party? No thanks. I bet naman, ayaw mo rin ako dun diba? Ayaw mo na may magbabantay sayo? At higit sa lahat ayaw mo na may magbabawal sayo. Then, I will say no" Sabi ko at agad na tumalikod kasama ang libro ko, at iniwan siya na halos hindi makapagsalita sa sinabi ko.
</3 Hay!!! Dex naman kasi! MOVE ON din pag may time! Two words lang yun, kayanin mo!
Naguguluhan ba kayo?
Sino ba si Kersten?
Ano ko ba si Kersten?
Bakit ganun ako kay Kersten?
Well. let me tell you the story kung ano meron samin ni Kersten.
A story I never tell to anyone at tanging sila Zayn, Sky and Cooper lang ang nakakaalam. T.T
Pero pangako niyo ha... secret lang to?
Flashback
BINABASA MO ANG
For Business Sake: 'I married the monster' (fin)
Teen FictionWritten by m s B R A I D 1 4 3 [A/N: Lahat ng nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang ng ni Ms. Author] iF TWO PEOPLE TIED BY FORCE, ...is there a place for friendship? IF TWO PEOPLE TEID WITH HATRED, ...is there place for love? IF TWO PEOPLE...