CHAPTER SIXTY-TWO ~ Stay awake

619 13 0
                                    

Andami nang nangyare, andami nang nasakripisyo, sa mga pagbabagong naganap, makakatulong kaya ito para isalba ang relasyon ni Zayn at Katniss? O baka mas lalo itong magpalala at ito ang tutulak sa kanila para magkahiwalay? 

Kung kayo sila? Ano gagawin niyo?!

COMMENT/VOTE

--------------------------------------

Xylie POV

Nasa guest ako kasama ang Mommy ni Ate Katniss, naggantsilyo kasi siya ng damit ng Baby, para daw iyon sa magiging anak nila Ate At Kuya. Ang cute nga e, dalawang damit ng Baby, Pink at blue, at sobrang liit. Hindi pa kasi namin alam ang gender ng baby kaya di pa alam kung anong damit ang tatahiin kaya ito dalawa na talaga para sure.

"Tita, Kaninong picture po yang nasa frame?" pagpuna ko sa picture frame na tinititigan niya habang habang nagtatahi.

"Ah, yan si Ate Katniss mo ng Baby pa. Ang cute niya diba?"

"Wow! Ang cute nga po, kaya nga lang chinita pala si Ate Katniss nung baby?"

"Ah, oo! Sobrang liit ng mata" sabi niya habang pangitingiting nagtatahi parin. Pero bakit may kakaiba? Di naman gaano kaliit yung mata ni Ate ngayon ah, paglumalaki ba ang baby nag-iiba yung features?

"Hmm. Tita, balat po ba yang nasa braso ni Ate?"

"Ah, oo nak, bakit?"

"Wala lang po, kakaiba lang. Kasi diba si Ate walang balat?" Sa sinabi ko biglang nag-iba ang expression ni Tita. Yung totoo, parang di naman si Ate yung Baby eh. Nang masabi ko iyon, biglang tinago ni Tita ang picture at nagpatuloy nalang sa pagtahi. "Opps. Sorry Tita kung may nasabi akong mali." sabi ko at ngumiti naman siya at nagsabing okay.

----------

Pababa ako ng sala at gulat na nasalubong ko ang Kuya  Vincent na galit na galit na naman. Kailan ba hindi umuwing galit to? Ano na namang hangin ang napasok sa kanya at maitim na aura na naman ang dala niya.

"Daddy! Mommy!!!! Asan kayo!!!" laking gulat namin ng biglang pumasok si Kuya sa bahay na nagsisigaw. Hala! Eksaherada!?

"Kuya anong nangyayare!?" sabi ko subalit di naman niya ko pinansin at nanahimik naman siya ng bumaba na sila Mommy at Daddy. Well, okay fine dinedma talaga ako.

"Zayn, Hijo... anong nangyayare?" sambit ni Mommy na mukhang di pa tapos maligo ay bumaba ng dahil sa sigaw ni Kuya, habang si Daddy, nag-aahit pa ata at di pa nakakatapos ay bumaba ng di oras. Aist. Si Kuya kasi, over-over makasigaw, yan tuloy, yung parents namin. -_-

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon